“Siyempre, nagulat ako. Hindi ko alam na nakakabuntis pala ako kahit malayo.” Ito ang sagot ni Cesar Montano nang tanungin ng entertainment press ang tungkol sa tsikang nabuntis niya ang ex-wife na si Sunshine Cruz.
“Sabi ko, ganu’n na ako kalakas ngayon,” biro pa niya.
Nakausap ng press ang aktor sa birthday party ni Annabelle Rama last Wednesday. Tinatawan nga lang niya ang latest na fake news na nagkabalikan sila at nabuntis niya ang dating asawa.
“Ilang taon na ba si Sunshine? Siya rin nagulat, eh,” natatawa pang sabi ng aktor.
Sa malas ay maayos na maayos naman talaga ang relasyon ngayon nina Cesar at Sunshine base na rin sa mga reaksyon ng aktor. Regular na ba talaga ang komunikasyon nila ni Sunhine?
“Yeah, mas may communication pa sila ng aking girlfriend, si Kat, kaysa sa akin, eh,” sabi ng aktor.
Sa tuwing may okasyon daw sa pamilya ay nagkikita-kita sila.
“Every event, every anniversary, birthdays, nagkikita naman kami. Every weekend, nasa akin ang mga anak ko, we go to church,” aniya.
May tatlong anak si Cesar kay Sunhine, habang may isa siyang anak kay Teresa Loyzaga at tatlo sa current girfrlend. May anak din siya sa una niyang asawa.
Masayang-masaya si Cesar na lahat ng mga anak niya ay nagkakasundo kahit magkakaiba ang nanay ng mga ito.
“Nakakatuwa. But only God can do that. All glory to God,” he said.
Nakatulong daw ang prayers ng friends para maging maayos ang lahat.
“All things work together for good for those who love us,” sey niya.
Nang matanong kung may balak pa ba siyang mag-asawang muli, pabirong sagot ng aktor, wala pa raw ito sa isip niya dahil napakabata pa niya.
Seriously, aniya, “basta ako, very grateful ako sa nangyayari ngayon na alam mo ‘yun, walang stress, nararamdaman mo ‘yung kapayapaan, and only God can do that.”
JM, naka-relate sa ‘dark’ na kanta ni Tera
Halatang pinaghandaan at ginastusan nang husto ang grand launching ng upcoming singer na si Tera na ginanap sa Seda, Vertis North Hotel last Tuesday.
Bongga ang mga production numbers niya na sing and dance siya talaga kabilang na ang kanyang latest single na Higher Dosage.
Nakipag-duet din siya sa guest niyang si JM de Guzman, isa ring total performer (actor, singer) at pilot. Aminado si JM na agad siyang naka-relate sa mga komposisyon ni Tera, mga awit na may “dark” tones.
Isa ang Higher Dosage sa may dark themes gaya ng paggamit ng alcohol at illegal substances sa paglutas ng problema.
“Higher Dosage is a song I wrote in 2019. No matter what your age, gender or nationality is, everyone has a struggle that they’re enduring. This song reflects that darkness,” kwento ni Tera.
Actually, unique ang songwriting skills ni Tera dahil kakaiba ito sa mga kantang nakasanayan ng mga pop fans.
“There are already a lot of songs about love, finding it and losing it. What I offer to the audience is a real, some would say deeper, take on emotions, life events (and) humanity,” she said.
“My debut single is definitely different from what people are used to, but I think anyone could relate to it,” dagdag niya.
Ipinakita rin sa nasabing launch ang music video ng Higher Dosage na dinirek ni Elena Virata.
Katulong niya sa paghahanda sa ginawang dance numbers ang nangungunang choreographers ng bansa tulad nina Douglas Nierras, Chrisy Sawada at Froi Dabalus.
Bilang paghahanda rin sa kanyang pagsabak sa music scene, hindi lamang boses at pagpe-perform ang hinasa ni Tera kundi maging ang kanyang musicality. She even underwent piano training sa Yupangco Music Academy, Voice Masterclass kay Monet Silvestre at The Madz Studio kasama ang coach na si Alfred Samonte.
Bukod sa Higher Dosage, kinanta rin ni Tera sa launch ang dalawa pa niyang singles na Façade at Sa Dilim.
“This is a dream come true for me. I grew up watching live concert CDs of Michael Jackson and Beyoncé, who both shaped me as a performer.
“Even as a child, I would perform for people and ever since then, I just never got tired of sharing my craft. Ultimately, I hope that people would relate to my songs and be blown away by my performances,” sey ni Tera.
Of course, excited din ang namamahala sa career ni Tera na Merlion Events Production Inc. at Tyronne Escalante Artist Management o TEAM.
“Tera writes her own songs and she is a natural-born performer. We can’t wait for everyone to know her and be just as amazed with her talent as we are. She brings something distinct to the country’s music scene and we’re supporting her all the way,” proud na sabi ni Tyrone tungkol sa alaga.