PBBM may nilinaw sa posisyon ni Paul Soriano, Toni tameme sa ‘piso’ ng asawa
Ahh nilinaw ni Pres. Bongbong Marcos na hindi bahagi ng ‘PR machine’ ang appointment ng asawa ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano ng kanyang administrasyon.
Napagkamalan kasi itong PR ng administrasyong Marcos matapos i-appoint na Presidential Adviser on Creative Communication.
Sa kumalat na interview ng presidente ng bansa sa National Information and Communications Technology Summit 2022 na ginanap sa Manila Hotel kahapon, sinabi nitong nagkamali ang mga tao sa interpretasyon.
Hindi raw itong ito binigyan ng posisyon para maging bahagi ng PR machine. “He’s there to find ways to promote the creative industry kasi doon siya galing eh. Kasama ‘yan sa tourism. Pinagmamalaki natin. Ang gagaling kumanta ng Pilipino. Ang gagaling umarte. Ang gagaling gumawa ng sine, etc. We have to project that to the rest of the world. ‘Yan ang trabaho ni Paul,” paliwanag pa nito sa mga reporter na andun sa nasabing event kahapon.
Pinag-usapan nga ang nasabing appointment ni Direk Paul dahil sa sinabi niyang piso lang ang tatanggapin niyang suweldo.
Kaya nang tanungin si Toni tungkol dito ay wala itong naisagot kung bakit piso lang.
“I think, he will have his own presscon for that,” say ni Toni sa mediacon niya last Saturday para sa AllTV kung saan umeere ang reali-talk show niyang Toni.
“I think he will have his own event where he can talk to the media also so that he can talk more about his role in that statement. Because it’s easy for me to answer that but hindi naman ako spokesperson ni Paul. But I want him to be the one to be able to answer that para at least, galing talaga sa kanya,” paliwanag pa niya.
Tanggap naman ng TV host na lahat ay may opinyon sa nasabing posisyon ng asawa na baka mag-abono pa siya dahil piso lang ang sweldo ng mister. “Lahat naman, may opinyon, it’s just everyone’s entitled to their own opinion. Everyone’s opinion are valid, so let’s just let them be and allow them to have their own opinion.”
Tinalaga si Direk Paul bilang Presidential Adviser on Creative Communications at sa kanya na mismo galing na piso lang ang tatanggapin nitong sweldo sa loob ng isang taon.
Samantala, sa nasabing din presscon ay umaasa si Toni na suportahan ng mga manonood ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan may kasali siyang pelikulang with Joey de Leon, entitled My Teacher, dahil aniya malaking tulong sa mga manggagawa kung kikita ang mga pelikulang Tagalog.
Maritoni nagpaturok ng Dengvaxia sa Thailand
Sa Thailand nagpa-turok ng Dengvaxia ang actress / businesswoman na si Maritoni Fernandez.
Ang Dengvaxia ay banned sa Pilipinas noon pang 2017 dahil sa mga kakabit nitong epekto na naging malaking usapin.
“Last shot done. Dengvaxia 3rd dose. Thank you Lord. Got hemorrhagic dengue a few years back and was told that I’m high risk for fatality if I get it again so since we can’t get Dengvaxia in Manila anymore, I’ve had the perfect excuse to come to Bangkok every 6 months! Plus I get to see all my Thai ladies whom I love so much,” post ni Maritoni pagkatapos niyang turukan nito.
Kapamilya stars, nakisaya sa Masskara Festival
Nakibahagi ang apat sa pinakamaiinit na ABS-CBN stars ngayon na sina Anji Salvacion, Charlie Dizon, Jameson Blake, at Maymay Entrata sa makulay na selebrasyon ng MassKara Festival sa Bacolod City sa pamamagitan ng isang bonggang Kapamilya mall show.
Naghatid ng iba’t ibang performances sina Anji, Charlie, at Jameson sa Robinsons Bacolod noong Sabado (Oktubre 22) para sa kauna-unahang regional event ng ABS-CBN simula noong nagkaroon ng pandemya na ginanap sa tinaguriang City of Smiles.
Ruru-Bianca, Derrick-Elle, pinusuan
Dinagsa rin ng mga Kapusong Negrense ang Kapuso Fans Day nina Elle Villanueva, Derrick Monasterio, Bianca Umali, at Ruru Madrid last week bilang bahagi ng MassKara Festival celebration.
Nakisaya at nakikanta ang mga GMA Sparkle artist sa kanilang mga fan na pumunta sa SM City Bacolod.
Talaga namang na-miss nina Ruru, Bianca, Elle, at Derrick na makita nang personal ang kanilang fans. Hindi rin nila pinalampas ang pagkakataong pasalamatan ang lahat sa pagsuporta at pagtutok sa Return to Paradise, Running Man Philippines, at All-Out Sundays.
Tuwang-tuwa naman ang fans na finally ito na may mga nakikita na naman silang artista at hindi sa social media lang.
- Latest