Iba-iba ang naging reaksyon ng netizens sa regalong cell phone ni Sharon Cuneta sa bunsong anak nila ni former Senator Francis Pangilinan na si Miguel.
Ibinahagi ni Shawie sa kanyang Instagram page ang larawan ni Miguel na masayang hawak-hawak ang cell phone na old model na walang camera at may keypad pa nga.
Ayon sa caption ni Megastar, lahat daw ng mga anak niya ay nagsimula sa simpleng cellphone lang.
“Someone is turning 13 on Oct.29 (and 27. He likes “having two birthdays!”) and got a new, simple phone! All my kids started with simple cellphones! Look how happy he was to finally get one,” caption ni Shawie.
Maraming netizens ang humanga sa pagka-humble ni Sharon at kung paano niya i-raise ang mga anak pero parang mas marami ang nagulat na buhay pa ang ganitong model ng cell phone.
“That phone still exists?!!” ang tanong nila.
Bukod dito ay mayroon ding hindi makapaniwala at pa-humble effect lang daw si Sharon.
“Totoo ba? Hard to believe,” komento ng isang netizen.
“Weeeeeeehhhhh di nga!!!!!” reaksyon naman ng isa pa.
“I don’t think so it’s true, pa humble effect kunyari, hypocrites talaga,” comnent naman ng isa pang IG user.
May pumuna rin na nagawang makapag-shopping nang bonggang bongga ni Sharon sa Louis Vuitton pero ganito lang ang iniregalo sa anak.
“Waahhhh shopping galore sa LV dahil inde pinapasok sa Hermes then gift sa anak ba talaga turing eh ganyan well kung sa bagay,” anang netizen.
Nagpayo naman ang isang follower na pwede namang ibinili ni Sharon ng smart phone si Miguel without spoiling him.
“I’m not a rich person at all but I would have bought my kids a smartphone that is still within my budget. That phone is so old. There’s no harm in spoiling your kids with something more up to date and still teaching them humility,” payo nito.
Ibang kalahok sa Cosmo Manila... mga naghubad na sa Vivamax
Last Sunday ay ipinakilala na sa entertainment press ang 35 official candidates sa Cosmo Manila King and Queen 2022 and in fairness, mukhang sinala talaga ang mga ito ng pageant committee dahil sa totoo lang, wala kaming nakitang pangit or “walang karapatan.”
Maging sa Q&A with the press, karamihan sa mga ito ay magagaling sumagot. Kapansin-pansin din na ang ilan sa kanila ay mga artista na’t napanood na sa ilang pelikula ng Vivamax.
Ang nasabing pageant ay produced by former model himself, Marc Cubales at ito rin ang unang sabak niya sa pagpo-produce ng bikini pageant. Aniya : “’yung feeling na nakakapagbigay ng work through producing is good. Maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production sobrang gagaling at honestly ramdam ko yung dedication nila sa work.
“So, deserve nila talaga na bumalik at magkaroon uli ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila.”
Cosmo Manila Queen 2022 official candidates are Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, Morena Carlos, and Deberly Bangcore.
Ang mga kandidato naman ng Cosmo Manila King 2022 ay sina Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Curt Del Rosario, RJ Absalud, and Allen Ong Molina.
Sa nasabing event ay hinirang din ang Male & Female Darling of the Press kung saan ay entertainment press din ang bumoto.
Nag-tie sina Chad Solano at Nash Mendoza sa Male Darling of the Press at sa babae naman ay si Sahara Cruz ang nanalo.
Alamin kung sino ang mag-uuwi ng titulo sa November 5 na gaganapin sa Skydome, SM North Edsa