Umalis na aktor sa Mamasapano, naging reklamador
Pinalitan ang unang director ng festival movie na Mamasapano : Now It Can Be Told ng Borancho Films ni Atty. Ferdie Topacio.
“Ayoko nang pag-usapan ‘yon. Let bygones be bygones. Ang importante, we also credited him. Maayos ang pag-uusap namin. Ang importante, natapos natin ang pelikula. All’s well that ends well,” pahayag ni Atty. Topaccio tungkol nangyari.
Pumalit si director Lester Dimaranan (na diretctor ng festival movie ring Nelia).
“Atty., kuwento ko lang. Sabihin ko po ‘yung naranasan ko rito,” umpisa ni Direk Lester.
“Actually, natapos agad ang shoot namin. May umalis na artista. Daming reklamo. Unang araw pa lang, daming reklamo. Isa sa challenge ‘yon. Mahihirapan kami pag pinalitan namin. Pero natutuwa ako na may artistang ayaw magpadobol sa action scenes.
“Ang hirap sa baguhang artista, dami reklamo Eh sanay na ako sa action kay direk Jun Posadas,” pahayag ni direk Lester.
Kampante si Direk Topacio na nakagawa sila ng movie na maglalantad sa katotohanan sa Mamasapano massacre noong termino ng yumaong president Noynoy Aquino.
Music video ng baguhang pop singer, punung-puno ng emosyon
Punung-puno ng emosyon ang unang music video ang baguhang singer-composer-performer na si Tera na Tara Sa Dilim.
Umiyak siya sa isang bahagi nito. Eh sa kanyang pahayag sa question and answer ng launching ni Tera, nabanggit niyang naghiwalay ang kanyang mga magulang sa mura niyang edad.
Isa sa promising talents ng Merlion Events si Tera. Hindi naman nagkamali ang management niya dahil maganda ang boses at very promising lalo na sa performance niya ng kantang Dosage at Façade.
- Latest