Sarah, nagpasalamat sa e-billboard sa Times Square

Sarah

Hindi man siya ang naunang Pinoy celebrity na nagkaroon ng electronic billboard sa Times Square sa New York, malaking bagay pa rin kay Sarah Geronimo na makita ang mukha niya sa electronic billboard.

Courtesy of Spotify Philippines ang billboard kung saan, si Sarah ang cover ng Equal PH playlist’s ambassador for October. Campaign ito ng Spotify to feature female artists worldwide.

“Thank you so muc @spotifyph for this opportunity! So honored to be EQUAL PH/s ambassador for October. Keep streming the Spotify Equal PH playlist, and let’s continue to celebrate women, no matter the day!” sabi ni Sarah.

Jessica, Tekla, JC, nagka-COVID!

Nagka-Covid naman pala si Jessica Villarubin, kaya wala siya sa lyric video ng bagong GMA Christmas Station ID. Nagtataka ang supporters ng singer at Kapuso fans kung bakit wala si Jessica at inisip nilang niligwak ito at sinadyang hindi isali.

“Andun ako. Nung nagsama ang mga all-star. Kasali dapat ako diyan. Kaso, nagka-Covid ako kaya hindi na ako nakapag-record. Actually, yan din ang reason kaya’t wala ako sa AOS,” sagot at paliwanag ni Jessica.

Magaling na yata siya, kaya back to work na siya at muling mapapanood sa AOS at Tonight with Boobay and Tekla (TBATS).

And speaking of Tekla, nagka-Covid din pala ito kaya ilang weeks absent sa TBATS at ang tawag sa kanyang pagkakasakit at “Covid Serye” hahaha!

Covid din ang dahilan kung bakit naalis sa cast Mamasapano si JC de Vera. Sa kuwento ng producer ng movie na si Atty. Ferdie Topacio, nakapag-shooting na ng four days si JC, pero noong may schedule uli ito na mag-shooting, hindi pumuwede dahil nagka-Covid.

No choice ang production kundi palitan si JC ni Paolo Gumabao sa role ni Supt. Raymond Train at good choice si Paolo dahil mahusay ito sa kanyang mga eksena. Sabi nga ni Atty. Topacio, intense ang acting nito, sila ni Aljur Abrenica.

Kailangan i-reshoot ang mga eksena ni JC na si Paolo na ang gumanap at dito mas bumilib si Atty. Topacio kay Director Lester Dimaranan dahil flawless ang pagkatagpi-tagpi sa mga eksena ni Paolo sa mga nauna nang nakunang mga eksena.

Kapag napanood ni JC ang mga eksena ni Paolo at ng pelikula, manghihinayang siya kahit konti lang.

Dahil nagalingan din kay Paolo, may next movie na ito sa Boracho Film Production.

Show comments