Kathryn at Daniel, natatakot nang magpakilig ulit!

KathNiel

Napagtanto na nina Eloy (Daniel Padilla) at Ali (Kathryn Bernardo) na pinaikot lang sila ni Helena (Gloria Diaz) nang ipinalabas nitong biktima rin siya tulad nila sa most watched series ng iWantTFC at Netflix Philippines na 2 Good 2 Be True.

Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, sinabi ni Kathryn na kahit pa maganda ang tinatakbo ng serye ay tamang timing lang ang kanilang pagtatapos.

“As much as we want to extend it kasi may ganito kami kagandang show, every story talaga kailangan mag-end. So itong run namin, nakita lahat ‘yung journey ng characters pati flashbacks at back story na tinahi sa present time,” kwento niya. “You just watch the finale, and you’ll see what I’m saying. It’s enough,” dagdag niya.

 “Saka the viewers now are very smart. So alam nila ‘pag pinilit mo na lang, ‘pag pinahaba mo na lang for the sake of filling the episodes. I think ‘yung 130 is enough. Kasi nakita na’yung journey ng lahat ng characters. Nakita ‘yung flashback, nakita ‘yung mga back story and all na tinahi sa story ng present time,” paliwanag ni Kathryn.

Inamin naman ni Daniel na natakot siya nung una na baka hindi kagatin ng publiko ang kanilang comeback series.

Hindi niya inakala na tatangkilikin pa rin sila ng manonood.

“Hindi ko inakala na tatanggapin ng ganito ang show namin na sobrang init kasi we have done many shows together,” saad niya.

Aminado naman silang nahirapan talaga silang magpakilig kaya’t ginawa nilang natural ang lahat.

Samantala sa huling episode, agad na nagsuspetsa si Ali kay Helena matapos nilang malaman ang sinabi ng Japanese investor kay Eloy na ito ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa kaso ng binata.

Napagtagpi-tagpi ni Ali na posibleng si Helena mismo ang sumaksak sa sarili at hindi si Ramon dahil sa direksyon ng pagkakasaksak nito at sa lalim ng mga sugat.

Kahit naman patuloy ang banta sa buhay nilang dalawa at ni Hugo, hindi naman tinitigil ng magkasintahan ang pagtupad sa kani-kanilang mga pangarap.

Napagtagumpayan ni Eloy na makuha ang loob ng Japanese investor para sa planong tulungan ang mga naagrabyado nilang mahihirap habang nakapasok naman si Ali sa medical school para matupad ang ambisyon niyang maging doktor.

Mula sa mala-aso’t pusang relasyon nina Ali at Eloy hanggang sa maging magkasintahan, sabay nila ngayong haharapin ang pagsubok na dala ni Helena. Sa huling tatlong linggo ng programa, makamit kaya nila ang inaasahang mapayapang buhay para ipagpatuloy ang kani-kanilang mga pangarap?

Nanatiling most-watched series ang 2G2BT sa Netflix PH at hindi naman din ito naaalis sa Top 10 shows ng iWantTFC simula noong Mayo. Bukod sa pagtre-trending ng mga nakakakilig nilang eksena, labis din na napag-usapan at umani ng mga papuri sa pagpapakita ng programa ng F.A.S.T method at CPR na nakatulong sa ilang netizens sa emergencies.

Maymay, susubukan uling mangabog

Nagbabalik ang ‘kabogera queen’ na si Maymay Entrata para painitin muli ang dance floor sa bago niyang kantang Puede Ba.

Tungkol ito sa tensyon sa pagitan ng dalawang taong nag-iibigan habang idinadaan nila sa pagsayaw ang nararamdaman.

Kasama rito ni Maymay ang OPM artist na si Viktoria na nagsulat, nagprodyus, at unang nag-record ng awitin na naging hit noong 1999.

Umani ito ng iba’t ibang parangal kasama na ang apat na Awit Awards kung saan napanalunan nito ang Best Performance in a Video, Best Dance Recording, Music Video of the Year, at Best Producer.

Nasungkit din nito ang Best Female Music Video sa 2000 MTV Awards Philippines.

Ipinrodyus naman ni Star Pop label head Rox Santos ang bersyon ni Maymay na ni-release nitong Biyernes (Oktubre 21).

Umarangkada na agad ang Puede Ba sa iTunes Philippines kung saan naabot agad nito ang ikalawang pwesto sa loob ng isang araw habang humakot ng 392,000 views at umakyat sa ika-18 na pwesto sa YouTube trending videos ang music video nito sa loob ng tatlong araw pagkalunsad nito.

Kamakailan lamang inanunsyo na nominado para sa Best Asia Act ang Amakabogera singer sa 2022 MTV European Music Awards (EMA) kung saan makakaharap niya sina NIKI (Indonesia), SILVY (Thailand), The Rampage from Exile Tribe (Japan), at Tomorrow x Together (South Korea).

Maaaring bumoto sa www.mtvema.com/en-asia-pacific/vote.

Show comments