^

Pang Movies

Ate Vi, sa 2023 pa itutuloy ang pagbalik sa pelikula  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, sa 2023 pa itutuloy ang pagbalik sa pelikula               
Ate Vi

Ang balita baka middle of 2023 makakapagsimula ang shooting ng kanyang pelikula si Ate Vi (Vilma Santos). Matagal daw ang pre-production work ng project at sabi ni Ate Vi, “naghihintay din kami ng timing na ang mga tao ay handa nang manonood sa sinehan. Gusto ko naman kasi pagbabalik ko, siguradong kikita. Ang feedback kasi sa akin ngayon, mukhang umiilag pa ang mga tao sa sinehan dahil sa health restrictions, at dahil na rin sa epekto ng inflation.

“Sinasabi ng mga economist na malamang umabot pa sa first quarter ang nararanasan nating inflation, kaya baka safe nga iyong second half na ng taon,” sabi ni Ate Vi.

Dagdag pa niya : “Alam ninyo, ang pagbabalik ko naman sa acting, hindi lang para pagbigyan ang sarili ko na nami-miss ko na rin ang acting, o para kumita lang ng pera. Gusto ko rin namang makatulong na ibangon ang industriya. Naniniwala akong makakabangon ang industriya ng pelikula, depende sa gagawin nating project. Ilang beses na bang nalugmok ang industriya in the past? Pero nakakabangon tayo. Iyon nga lang, wala na si FPJ. Wala na rin si Tito Dolphy,” sabi pa ni Ate Vi.

“Kasi tingnan mo, bakit ba ang TV natin malakas? Sinasabi nga nila maraming masyado ang Korean series, pero iyong mga seryeng Tagalog matataas ang ratings. Ibig sabihin makikita na natin, iyon pa rin ang formula na gusto ng tao. Iyong mga serye, ganyan ang mga pelikula natin noong araw. It is nothing new to us. Iyong mga nasa TV, gusto nilang magmukhang pelikula ang kanilang ginagawa. Eh bakit tayo hindi natin gawin din ang ganoon, pero siyempre kailangan mas maganda tayo kaysa sa nasa TV, na kaya naman natin kung talagang gugustuhin,” sabi pa ni Ate Vi.

Barbie, malakas ang pwersa

Fiction in a fiction nga ang ginagawa ni Barbie Forteza sa kanyang serye. Iyong kanyang character ay wala talaga sa orihinal na Noli Me Tangere. Bale nga fiction siya na inihalo sa isang fiction novel. Pero ang role ni Barbie, bilang isang taong nagbalik sa nakaraan ang siyang nagugustuhan ng mga tao.

At hindi nila maikakaila na inilalampaso ng serye ni Barbie sa ratings ng lahat ng iba nilang serye sa ngayon. Silent lang pero napakalakas pala ng puwersa ng fans ni Barbie. Ibang level na eh.

Ang paniwala namin, lalabas pa later on na si Barbie ang talagang audience drawer sa kanila.

Pinoy fashion designer/talent manager, 22 taon bago nakauwi ng ‘Pinas

Twenty-two years na walang uwian sa Pilipinas ang fashion designer at talent manager na si Bobby Yalong. Ngayon lang siya umuwi at kailangang magbalik din ulit sa US. May tumatakbo raw kasi siyang painting exhibit sa Manhattan, at tapos siya pa ang magdidirek ng concert ni Marco Sison next month.

Pagka ganoon daw kasi, tumutulong din siya sa marketing para masiguro na successful ang concerts ng mga Pilipino doon.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with