Vice, nag-sorry!
“Sorry po wala pa rin ako sa Showtime,” umpisa ng tweet ni Vice Ganda.
“Kagabi pa ko umiiyak dahil di ako napayagan for a valid reason. Di ako pumayag na iadjust ang date ng Finals kasi this event is not about me. It’s about these beautiful girls and their talents. So for now let’s focus on them. Sorry po!,” ang unang tweet nito.
Pero wala itong nabanggit kung ano ‘yung valid reason na ‘yun.
Dagdag pa niya : “Kung alam nyo lang kung gaano to kasakit para sa akin. This segment is very inportant to me and very close to my heart. Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko.”
Hindi nga nakadalo si Vice Ganda sa grand finals ng Miss Q&A Queen of the Multibeks kahapon sa It’s Showtime.
- Latest