^

Pang Movies

TGIS star Kim delos Santos, misyon na makatulong sa mga may depression at anxiety

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
TGIS star Kim delos Santos, misyon na makatulong sa mga may depression at anxiety
Kim delos Santos

Nakakatuwa namang mabalitaan na ang dating TGIS star na si Kim delos Santos ay natapos na rin ang kanyang Masters in Science of Nursing at Psychiatric Mental Health Nurse Practitioner sa Amerika.

Gusto raw makatulong ni Kim sa maraming taong nakakaranas ng depression at anxiety, lalo raw noong magkaroon ng pandemya.

“Ngayon I graduated this year sa Masters, may concentration ng psychiatric mental health nurse practitioner. Mental health is something that is more known now. Because a lot of people are experiencing depression, anxiety dahil sa pandemic. So I’ve decided to change the course,” sey ni Kim noong maging guest siya sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga.

Post pa niya sa Instagram: “It’s been a journey but I made it. Now the hard part begins, passing the boards and looking for a stable job. I am excited for this new journey but I’m scared to grow up, being a dialysis nurse has been my comfort zone.”

Bilang dating artista, nakatulong daw ito para maka-relate si Kim sa mga pasyente.

“It’s a humbling experience kasi ang layo ng course ko sa pagiging artista eh. It’s more of me taking care of people, ‘pag artista ka, you’re pampered. Pero ang helpful sa akin is that, kapag artista ka, we’re very emotional. Depression, anxiety, pinagdadaanan natin ‘yan ‘di ba. So we understand what they’re going through. May empathy na tayo, ‘yun ang nakakatulong. It’s almost the same ng pag-aartista, kasi you’re still helping people. ‘Pag artista you’re making them happy. Sa pagnu-nursing you’re making them better.”

Tinalikuran nga ni Kim ang showbiz nang magdesisyon itong mag-migrate na sa Amerika noong 2004 pagkatapos niyang makipaghiwalay sa mister na si Dino Guevarra.

Marami raw hirap na pinagdaanan si Kim sa Amerika dahil pinagsasabay raw niya noon ang mag-aral at ang magtrabaho.

Ngayon ay worth it naman daw ang lahat ng pinagdaanan niya. May lungkot lang daw dahil hindi na nasaksihan ng kanyang ama ang pag-graduate niya. Pumanaw ang ama ni Kim noong 2015.

Sa kuwento noon ni Kim, ang ama raw niya ang gumawa ng paraan para mapagpatuloy nito ang pag-aaral niya ng nursing.

Kahit na raw may iniinda na itong mga sakit, patuloy lang daw itong nagtatrabaho para matustusan ang pag-aaral niya.

Juancho, napuri

Sunud-sunod ang mga papuri na natatanggap ng Kapuso actor na si Juancho Triviño sa pagganap nito bilang si Padre Salvi sa historical portal fantasy series ng GMA na Maria Clara At Ibarra.

Swak na swak daw ang pagiging kontrabida ni Juancho bilang si Padre Salvi, ang mabangis at mapana­kit na kura paroko na may lihim na pagnanasa kay Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.

Pinuri rin ni Kuya Kim Atienza ang performance ni Juancho sa teleserye. Humanga raw siya sa transition ni Juancho mula sa pananakit niya sa mga anak ni Sisa na sina Crispin at Basilio ay bigla itong lumuhod at nagdasal para humingi ng patawad sa kanyang ginawa.

Tweet ni Kuya Kim: “@juanchotrivino you are sooo good, naiinis ako when I see you on TV! Bravo #MCIpagtitimpi”

Nagpasalamat naman si Juancho sa mga natatanggap niyang mga papuri. Ini-enjoy lang daw niya ang role na pinagkatiwala sa kanya.

“Ah thanks for this! Im very thankful however attention is not my priority. Gusto ko lang pag butihan ang pinagkakatiwala sakin at galingan ang trabaho.”

Kaso ng Hollywood actor Anthony Rapp laban kay Kevin Spacey, na-dismiss

Na-dismiss ng New York court ang $40 million sexual misconduct lawsuit laban sa Hollywood actor na si Kevin Spacey ng aktor na si Anthony Rapp na nag-claim na inabuso siya ni Spacey when he was 14.

Ayon sa jury, walang napakitang evidence si Rapp na he was touched sexually by Spacey. Ang pinairal daw kasi nito ay ang kanyang “emotional anguish” laban sa aktor.

Sa documents ni Rapp, nangyari ang pang-aabuso sa kanya ni Spacey noong 1986 sa isang party sa Manhattan. Pinasok daw siya ni Spacey sa bedroom habang nanonood siya ng TV. Binitbit daw siya nito papunta sa kama at hinipuan siya sa iba’t ibang parte ng katawan niya. He was only 14 at that time at 26 naman si Spacey.

Kaya raw wala siyang nagawa dahil he “felt frozen” at hindi niya alam ang dapat niyang gawin sa gano’ng situwasyon.

Inamin ni Spacey na nagulat at natakot siya noong isapubliko ni Rapp ang nangyari noong 2017. Nag-issue na siya ng kanyang public apology.

KIM DELOS SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with