Kung ang karamihan sa mga Pilipino ngayon ay adik sa mga Koreanovela o K-pop music, iba naman ang mag-amang Richard Gomez at anak na si Juliana.
Si Juliana ay ang Twenty-Five Twenty-One pa lang ang napapanood na K-drama.
Kuwento ito tungkol sa isang teenager na fencer na ginawa ang lahat para matupad ang pangarap hanggang makilala ang isang lalaking naging inspirasyon niya.
Bida rito sina Na Hee-Do (Kim Tae-Ri) at Back Yi-Jin (Nam Joo-Hyuk).
“I was very much into Twenty-Five Twenty-One just because of fencing. Like from a fencer’s perspective, it’s very very realistic down to the actual game itself of how it’s played, the emotions that come with it. True to life talaga.
“It was the only one that I really followed because I don’t watch too much,” kuwento ni Juliana.
“Crash Landing On You,” hirit ni Richard.
“Lucy enjoyed it. I’ve no choice, the TV is on so I have to watch it also.”
Pero sagot ni Juliana sa mommy raw ‘yun : “It was nice also. It was very nice. It was different.”
How about K-pop singer / song?
“You know I haven’t had the chance to explore that channel.”
“Sandara Park lang ako,” habol ni Richard na tumatawa.
Actually, bagay na bagay kay Juliana kung sakaling planuhin na magkaroon ito (Twenty-Five Twenty-One) ng local adaptation pero sa ngayon ay walang interes si Juliana sa showbiz.
Bukod sa kanyang pag-aaral sa UP, nagta-trabaho siya sa office ng kanyang amang si Cong. Richard.
Political officer 3 si Juliana sa office ni Cong. Goma at kasama sa trabaho niya ang pagre-research.