May-aring pulitiko at abogado, napikon.. Wil app ni Willie Revillame, iniba na agad ang pangalan!
Ang bilis palang nag-dissolve ang Wil TV app.
Ito ‘yung social media app na supposedly ay owned by Willie Revillame.
Ang rason, ayon sa source, industrial partner lang pala ang bilyonaryong TV host at nainis diumano ang mga totoong may-ari nito na isang pulitiko at abogado dahil lagi raw sinasabi ni Mr. Revillame sa kanila na ‘kung wala ako, walang kwenta ang app na ‘yan.’
Paulit-ulit diumano itong sinasabi ni TV host sa mga totoong may-ari nito kaya nainis daw ang mga ito kaya’t pinabago talaga ang pangalan ng app, tinawagan ang Google para ayusin, baguhin at gawing Flex TV ayon pa sa source.
Parang TikTok ang concept ng Wil TV at parang may Zoom at YouTube component pa na ngayon nga ay FlexTV.
Dito rin sana raw sa app na ito eere ng live everyday ang Wowowin nang magbabu ito sa TV.
Ngayon totally ay wala na raw sa eksena si Mr. Revilla sa nasabing free app ayon pa sa isang source.
Manager ng isang serye, nawindang nang ipatanggal ng aktor
Na-shock pala ang isang project manager nang i-request ng bidang aktor sa isang umeereng teleserye na tanggalin ito.
Hindi raw inasahan ng nasabing top gun ng nasabing teleserye na ire-request ito ng actor dahil wala naman sila nakikitang problema though hindi nga raw kataasan ang rating na nasabing teleserye.
Ilang beses ko nang narinig ang kuwentong ito.
May pipiyok kaya sa blind item na ito?
Anyway, baka naman talagang hindi na kaya ng aktor na katrabaho ang project executive na ‘yun.
- Latest