Vice Ganda, sinorpresa ang madlang people
After two weeks of absence sa It’s Showtime, kahapon ay live nang napanood si Vice Ganda sa nasabing noontime show at sinorpresa niya ang madlang people sa kanyang new look na tinawag na “chugug.”
Vice was sporting a copper hairstyle with matching all-black outfit na talaga namang ikinagulat din ng kanyang mga co-hosts ang kanyang bagong look.
“Guys, si Vice Ganda ‘to! Wala kayong bagong host,” sey niya.
Nagpaliwanag ang TV host sa kanyang pagkawala at nilinaw na one week lang talaga siyang absent.
“Na-miss ko kayo, madlang people! Ang bongga ng linggong ito, magkakasama na tayo muli. Paumanhin na hindi ko kayo nakasama nang dalawang linggo. Actually, one week lang ‘yun, kaya lang taped iyon kaya nagmukhang dalawang linggo!” she explained.
Ipinaliwanag din niyang marami lang siyang tinapos na commitments.
“Marami lang ho akong labadang tinapos. Nag-uulan pa, ang hirap matuyo ng mga sinampay. At ngayong tuyo na, nandidito tayo, nagbabalik, magkakasama na naman tayo!” aniya.
Natuwa naman ang madlang people sa kanyang pagbabalik at kanya-kanya silang tweet sa Twitter gamit ang hashtag na “ViceGandaIsBack.”
Matatandaang lumikha ng intriga ang dalawang linggong pagkawala ni Vice sa noontime show. May tsikang may tampo siya sa kanyang mga co-hosts at may ispekulasyon ding lalayasan na niya ang “It’s Showtime.”
Sa pagbabalik niya, at least ay makakampante na ang kanyang fans and supporters na labis siyang na-miss sa show.
Ji Chang Wook, nabiktima ng fake news
Fake news umano ang kumakalat na tsikang magkakaroon ng fan signing event ang sikat na Korean actor na si Ji Chang Wook sa Iloilo next month.
As we all know ay nakatakdang magdaos ng fan meet si Ji Chang Wook sa Manila this Nov. 6 sa SM Mall of Asia.
Pero ang tsika nga ay magkakaroon din ito ng fan event sa Iloilo na siyang pinabulaanan ng kanyang kampo.
Inanunsyo ng kanyang management na Glorious Entertainment sa kanilang Facebook page ang paglilinaw kahapon.
“Hello. This is Glorious Entertainment.
“We would like to inform you regarding false information that has been spreading regarding the 2022 Ji Chang Wook Fan Meeting Tour being held in the Philippines, specifically the “CLEO L. DIMAYUGA” fan signing event in Iloilo.
“Any Event that is not notified by the official ticket seller and promoter (BENCH), including the contents of the ‘CLEO L. DIMAYUGA’ fan signing event uploaded on Facebook, will NOT be held.
“We hope that you take this into close consideration to avoid the purchase of any counterfeit tickets that are being sold by unauthorized sellers.
“We have reported the situation and are closely monitoring the situation actively to ensure no one is affected. Thank you,” ang statement ng management ni Ji Chang Wook.
- Latest