Bongga ang mga bagong palabas ng Kapuso. Talagang inaabangan ang mga pasabog at tapatan tuwing hapon.
Si Jillian Ward nga ay kinabiliban ng netizens sa pagiging palaban nito sa inspirational-medical drama na Abot Kamay na Pangarap. Mukhang nagsasawa na ang mga tao sa mga nagpapaaping karakter kaya naman tuwang-tuwa sila na ‘di nagpapatalo ang ginagampanan ng young actress. Bilib ang mga ito sa katapangan at pagbangon ng karakter nito bilang doktora. Kahit daw kinakalaban ito, lumalaban daw pabalik!
Aliw na aliw din ang mga manonood dahil bihira ang ganitong tema ng palabas kaya excited sila dahil bago sa panlasa nila ang ganito.
Pati nga ang serye nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio na Return to Paradise ay kinaaadikan din ng mga manonood dahil kaabang-abang din kung ano ang mangyayari sa kanilang relasyon. Mukhang epektibo ang pagiging kontrabida rito ni Liezel Lopez dahil kinaiimbyernahan siya ng netizens sa pagiging mapanira raw nito ng relasyon.
Kahit ang Nakarehas na Puso ay nakikisimpatiya at sinuportahan ng netizens ang karakter ni Jean Garcia.
Talagang affected pati ang mga manonood sa mga ganap. Solid talaga ang sumuporta ang mga Kapuso.