^

Pang Movies

Himala, hindi na nasundan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Himala, hindi na nasundan!

Natatawa na lang kami noong isang araw, dahil iyong isang tao na ilang buwan lang ang nakararaan ay sigaw nang sigaw ng “magnanakaw. Walang nagawa sa bayan,” at kung anu-ano pa, bigla yatang natameme nang inilalabas ngayon sa video streaming sa buong mundo ang mga restored version ng mga pelikulang ginawa noon ng Experimental Cinema of the Philippines (ECP ) na pinamunuan at isinulong ni Senadora Imee Marcos.

Natawa kami nang sabihin pang sana raw magkaroong muli ng kagaya ng ECP na tutulong sa industriya ng pelikula. Eh hindi ba’t dati siya ang nagsasabing puro pagnanakaw lang iyan? Pero ano ba ang totoo? Malaki ang nagawa ng mga Marcos, hindi lamang si Imee, para sa industriya ng pelikulang Pilipino. Unahin natin ang mas pinalawak na film festival sa Maynila, at ginawang Metro Manila wide noong 1975. Initiative iyan ng industriya na kinatawan noon ni San Juan mayor Joseph Estrada na presidente rin ng PMPPA, si Secretary Guillermo de Vega na chairman din ng Board of Censors, at ni dating first lady Imelda Romualdez Marcos na governor din noon ng Metro Manila. Pinalawak pa iyan. Noong 1981, idinaos sa Pilipinas ang Manila International Film Festival na dinaluhan ng mga opisyal ng FIAPF, na siyang international federation of film producers, kabilang ang secretary general noong si Alphonse Brissons. Dumating rin dito ang international stars na sina Brooke Shields at Franco Nero. Dumagsa sa Pilipinas ang stars ng Asya, at lahat sila nakanganga sa ganda ng ipinagawang festival palace na tinawag na Manila Film Center. Pero iyang film center na iyan na kauna-unahan sa Asya ay ipinasara at pinabayaang masira ng “mga hindi magnanakaw.”

Ang layunin nila noon ay gamitin ang pelikula para maipakita ang kagandahan ng Pilipinas upang dayuhin ng turista. Bukod doon ipakita sa mundo na tayo ay may kakayahang gumawa ng mahuhusay na pelikula, at may mga Pilipinong makagagawa ng mahuhusay na pelikula.
Dahil doon, nagdagsaan din ang international producers sa Maynila para dito gumawa ng pelikula, na pinakinabangan nang husto ng mga manggagawa sa industriya ng pelikulang Pilipino. Wala ka halos mahagilap noon at laging sinasabi “may ginagawang international movie.”

Pero ayaw yata ng ganoon ng mga “hindi magnanakaw.” Kaya noong kanilang panahon nagsimula iyang tinatawag na “pene movies,” o mga mumurahing pelikula na walang ipinakikita kundi sex, kagaya ng ginagawa ngayon sa mga video streaming.

Sino pa ba ang gumagawa ngayon ng mga pelikulang gaya ng Himala, na napili ng CNN na pinakamahusay na pelikulang Asyano ng isandaang taon? Magawa kaya iyon kung wala ang tulong ng ECP? Ganyan lang naman talaga ang buhay. Kung minsan nalalaman natin ang halaga ng isang bagay kung wala na iyon.

Aalalahanin pa ba natin ang nagawa nila para sa musikang Pilipino? Aba lalo kayong malulula, dahil “diniktahan ng diktador” ang lahat ng istasyon ng radio na magpatugtog ng original Pilipino music, kaya nga sumikat iyang OPM eh, na pinakinabangan nang husto ng mga singer na alagad ng “hindi magnanakaw.” Kung hindi ginawa iyon, aba baka nasa panahon pa rin tayong walang gumagawa ng musikang Pilipino kundi si Don Manoling Villar, at ang mga composer ay binabayaran lang ng “wampipti” sa bawat kantang magawa.

 

NORA AUNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with