Habang ang daming nagma-mine sa mga paninda ni Mariel Rodriguez, may ilan din namang nanghihingi ng tulong sa misis ni Sen. Robin Padilla.
Inabot nga kasi ng anim na oras ang live selling ni Mariel noong Biyernes ng gabi sa kanyang social media platforms kaya tambak ang comment.
Mula 8:00 p.m. hanggang 2:00 a.m.
Isinabay niya sa payday Friday kaya ang dami talagang nagma-mine.
Ang galing na niya actually na magbenta at parang isa na rin itong entertainment venue dahil talagang ang taas ng energy nito plus ang daming pa-giveaways.
Kaya sana raw ay matutulog siya kahapon, Sabado, pero hindi na-achieve dahil sa mga anak.
“Yung nag live selling ka from 8pm - 2am, so ang ang plan ay matulog buong saturday pero hindi ma achieve because yung kids mo ang alam na canvass mukha mo. kakaiba because first time na pati yung loob ng nostril minake-upan din nila hahaha
“We had another successful live selling last night!!!! Big big big thanks to all our serious miners na nakisaya at nagsipuyat kasama namin to get the best deals. Thank you sooo much!!!! So proud of our line up last night ang daming pamigay prices to the max!!! inyooo na talagaaaa!!! To our hard working team yaaaaay!!!,” aniya sa post kahapon.
Dahil sa success ng kanyang live selling ang dami na ring nagpapabenta sa kanyang kapwa celebrity.
‘Yung mga gustong magpalit ng bag.
“Thaaaaaaaaaaaank you sooooooo much!!!!!!!!!!! Also to the celebs who trust me with their luxury items so so grateful for everything! See you on our next .”
Pulos luxury brand ang binebenta niya na ang dialogue niya, dahil nga raw mura ay ‘pamigay na presyo” kaya unahan ang miners.
KZ, sampung taon na ang career
Abangan ang 10th-year anniversary celebration ni KZ Tandingan, fresh rockustic tugtugan mula kina KD Estrada and Kice, isang vocal showdown sa pangunguna ni Darren Espanto at ang special comeback stage ng nation’s girl group na BINI, sa ASAP Natin ‘To.
I-celebrate ang isang dekadang musical career ng Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan kasama sina Angeline Quinto, Erik Santos, Kyla, Jeremy G., Elha Nympha at Jadine Berdine.
Damhin din ang world-class musical treats mula sa OPM stars na sina KD Estrada at Kice, at isang powerful vocal feast naman ang handog nina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Vivoree at Maymay Entrata.
Dadagdagan pa ito ng isang heartwarming classic hits sing-off nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Nyoy Volante at Jason Dy.
Isang malaking throwback naman ang hatid ng ASAP Natin ‘To family sa isang special tribute sa musika ng iconic Pinoy rock band na Eraserheads.
Lahat ng ‘yan at iba pa ngayong Linggo ng tanghali sa ASAP.