Ate Vi,’di interesado sa mga hubarang pelikula
Para kay Vilma Santos (Ate Vi), ibang-iba raw talaga ang nakasanayan nilang mga artista noong araw sa mga artista ngayon.
Dahil nga mataas ang respeto sa mga artista noon, nag-iingat silang masangkot sa kahit anong kontrobersiya. “Ang pag-aartista noong araw ay kinikilalang isang disenteng propesyon. Mataas ang pagtingin ng mga tao sa mga artista. Kaya naman para maiwasan ang mga nakakasirang tsismis, ang mga artista hindi pakalat-kalat sa kung saan-saan. Nakikita silang lumalabas kung may official functions lang,” umpisa ng kanyang komento.
“Siguro kasi iba rin ang buhay noong araw. Wala iyang mga mall. Wala iyang mga watering hole. Wala ‘yang kung anu-anong pasyalan. Eh ngayon ang dami niyan kaya natutukso silang lumabas nang lumabas,” dagdag ni Ate Vi.
“Noong una nga akong nag-Darna, aba nagreklamo ang mga madre sa eskuwela. Ipinatawag agad si mama, dahil hindi raw ako puwedeng magsuot ng Darna costume. Puwede lang kung may gagamitin akong body stockings. Iyon naman ang naging kasunduan namin ng mga producer, pero nang magsimula na kami, pangit talaga iyong may suot akong body stockings, ang mga producer ko ang nakipag-usap sa mga madre, at ipinaliwanag nila na si Darna ay isang superhero, hindi siya isang sex symbol, kaya walang masamang maiisip ang kahit na sinong makapanood noon,” pag-alala niya.
“Noon na lang mapanood ng mga madre ang pelikula at saka nawala ang duda nila.
“Eh ngayon, talagang sa publicity pa lang hubaran na. Iyon ang uso eh, at sinasabi nila ginawa nila iyon para mag-survive ang film industry. Pero kanya-kanyang paniniwala iyan eh. Nagkataon sigurong iba ang paniniwala ko kaya ok lang. Basta hindi ako kasali sa mga ganoong pelikula,” sabi pa niya.
Kung sa bagay totoo, ang mga artista noong araw inirerespeto.
GMA, ayaw makisawsaw kina Rhys at Patrick
“Sana magawan nila ng paraan ang kanilang problema, walang ibang makaka-solve ng problema nila kundi sila rin. Kami, wala kaming magagawa dahil iyong insidente ay hindi naman nangyari sa GMA 7. Kung sa amin iyan nangyari, aywan pero hindi siguro ganyan ang kalalabasan,” sabi ng Vice President for Corporate Communications ng GMA na si Angel Javier, tungkol sa kontrobersiyal na reklamo ni Rhys Miguel laban kay Patrick Quiroz.
Ang dalawa pala ay nasa GMA na, pero si Patrick ay nasa ilalim ng management ng Cornerstone, samantalang si Rhys ay nasa Sparkle.
Male star, nabuking ang iba pang raket
Iyong isang male star pala ang “secret BF” ng isang mas sikat sa kanyang young male star din. Pero ang sabi ng aming source “hiniwalayan” siya nang malaman ng “keeper” niya na may mga ginawa siyang kabadingan din.
Ok lang daw naman sa male star na ang “secret BF” niya ay bading din, ang hindi lang niya gusto, bukod sa kanya ay nanghahala pa pala iyon ng iba.
- Latest