^

Pang Movies

Coco, tutok muna sa MMFF movie   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Coco, tutok muna sa MMFF movie                
Coco

May mga nagtatanong, bakit hindi pa bumabalik si Coco Martin mula sa pasasalamat show nila sa US, na nag-concert ang Ang Probinsyano group. Kaya pala, ay isinabay na rin nila ang pagsu-shooting doon ng movie na magiging entry nila sa coming 2022 Metro Manila Film Festival sa December.

Tampok sa movie si Coco at makakatambal niya si Jodi Sta. Maria. It will be a romantic comedy movie na si Coco rin ang magdidirek. Balita rin namin, after ng MMFF movie, sisimulan naman ni Coco ang bago niyang TV series.

Yasmien, wagi sa Diamond Awards

Congratulations kay Kapuso actress Yasmien Kurdi. Kinilala si Yasmien ng Diamond Excellence Awards bilang Outstanding TV Actress of the Year. Instagram post ng pasasalamat ni Yasmien:  “It is a great honor for me to receive this award. Maraming salamat Diamond Excellence Awards sa parangal na ibinigay ninyo sa akin bilang “Outstanding TV Actress of the Year.”

Binati si Yasmien ng mga kasama niya sa new Pinoy adaptation ng Korean-drama series na Start-Up Philippines na sina Gabby Eigenmann at Jeric Gonzales sa bagong achievement na natanggap nito. Ginagampanan ni Yasmien sa serye ang role ni Ina, elder sister ni Dani (Bea Alonzo) na napapanood every night, 8:50 p.m.

Barbie, napuri sa pananampal

Muling umani ng papuri at nag-trending sa Twitter si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza mula sa vie­wers na sumusubaybay sa top-rating historical portal series na Maria Clara at Ibarra sa eksenang kasama niya sina Dennis Trillo at David Licauco. Nakatikim ng sampal ni Klay (Barbie) si Fidel (David) matapos nitong maliitin ang kakayahan niya bilang isang babae. Sasampalin ni Fidel si Klay, pero pinigilan siya ni Ibarra (Dennis), kay Fidel dumapo ang sampal ni Klay.

Dahil sa eksena, maraming netizens ang nag-suggest sa production na gawing new tandem sina Klay at Fidel at tawaging FiLay dahil sa kanilang onscreen chemistry, nauna kasi rito ay ang cute ‘kulitan’ scene nila.

Maxine, hirap kaeksena si Herlene

Nagsimula na si Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up Herlene Nicole Budol ng familia­rity workshop ng upcoming GMA drama series na Magandang Dilag, kasama ang cast, na binubuo nina Benjamin Alves, Maxine Medina, Rob Gomez at Adrian Alandy, with Christopher de Leon, Sandy Andolong at Chanda Romero. Kontrabida ni Herlene si Maxine Medina, na nagsabing med­yo hirap daw siya na makaeksena si Herlene dahil kilala niya itong mabait at mahihirapan siya sa mga eksenang aawayin niya ito.

Tuloy ang pag-compete ni Herlene sa Miss Planet International this coming Nov. 19 sa Uganda. 

COCO MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with