^

Pang Movies

Jo Koy Day, ninega ng ibang Pinoy  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jo Koy Day, ninega ng ibang Pinoy               
Jo Koy

Aywan kung bakit sa halip na matuwa at may isang Pilipinong kinilala sa US, kahit na sabihin mong Fil-Am siya, may nasasabi pang hindi maganda ang mga ibang tao.

Matapos na ideklara ng lungsod ng Los Angeles sa California ang Oktubre 7 bilang Jo Koy Day may mga Pilipino pang ang reaksiyon hindi raw tama iyon. Kasi ang jokes daw naman ni Jokoy ay paulit-ulit lamang. Overrated daw bilang comedian si Jo Koy.

Dito sa atin nang mabalita iyan, may nagtatanong pa, eh sino ba siya?

Maaaring si Jokoy ay hindi nga masyadong kilala sa Pilipinas, pero sa American television at entertainment circuit, isa si Jokoy sa pinakamalaking star. Iyon din ang dahilan kung bakit dalawang taon na ang nakaraan, si Jo Koy ay binigyang parangal din ng Walk of Fame Philippines.

Nagtungo siya sa Pilipinas dahil sa parangal na iyon, at marami ang nagulat nang gumawa siya ng announcement na magbibigay siya ng 40 libong dolyar, na noong panahong iyon ay aabot na iyon sa dalawang milyong piso para sa Mowelfund.

Sino ba ang nakapagbigay ng ganyan kalaking halaga sa Mowelfund?

Ginawa niya iyon bilang tulong sa mga manggagawa ng industriya ng pelikulang Pilipino na halos lugmok na noon.

Ngayon may mga nagsasalita pang nagsasabi na overrated si Jokoy at hindi naman ayos na magdeklara pa ang LA ng Jokoy Day.

Aba eh kung gustong parangalan ng mga Kano ang isang Pinoy eh, ano ba ang pakialam ng iba at  may mga Pinoy pang kung anu-ano ang sinasabi? Ano ang dahilan? Inggit ba?

Matuwa na dapat kayo, dahil walang Pilipino nabigyan ng ganyan kalaking karangalan bukod kay Jo Koy. Maski nga si Lea Salonga, na kinikilalang isa sa pinakamalaking star sa Broadway, hindi naparangalan ng ganyan.

Ngayong may Pinoy na nabigyan ng karangalan umaangal pa kayo?

Aubrey, gusto pa rin ang Paris kahit nanakawan

Hindi ikinaila ni Aubrey Miles, na gusto pa rin niya ang Paris at nag-enjoy siya sa lungsod na iyon sa France kahit na nga nabiktima siya ng mga magnanakaw.

Diumano ay isang bag ang nawala kay Aubrey.

Ang kuwento niya lumalabas na inilagay lang niya sa isang lugar at siya ay sinalisihan.

Hindi lang sa Paris, kahit na saang parte naman ng mundo may mga mandurukot at magnanakaw. Akala ba ninyo sa Divisoria lang nangyayari iyan? Minsan nga sa isang upscale na mall, isang babaeng umaakyat sa escalator ang hinablutan ng kuwintas. Sumigaw siya pero wala ring nangyari, at kung iisipin hindi mo siya masisisi. Tiwala siya dahil iyon ay isang upscale na mall na nga. May mag-iisip bang may snatcher pa roon?

 May kuwento pa nga tungkol sa isang male newcomer eh, hinold up siya, at alam ba ninyo kung ano ang ginawa, pinahubad sa kanya ang suot niyang sapatos. Umuwi siyang nakayapak. Dahil tangay rin ang kanyang wallet at kahit na tsinelas hindi siya makabili.

Mahirap ang buhay ngayon, kaya maraming magnanakaw.

Mayamang gay realtor, bet sundan ang aktor sa US

Tinatanong daw ng isang mayamang gay realtor ang isang kaibigan niyang ta­lent manager kung alaga pa ba niya ang isang poging actor na nasa US na ngayon. Kinukumbinsi niya ang manager na tawagan ang actor, at sabihing pupuntahan niya sa US kung papayag itong makipag-date sa kanya.

Ang tindi ano.

JO KOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with