Vice, lalayas na sa Showtime!?
True kaya na imbiyerna si Vice Ganda sa mga co-host niya sa It’s Showtime kaya since last week ay absent ito sa nasabing noontime show?
Ito ang napag-usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa latest vlog nila dahil nga marami na rin ang nagtataka na since last week ay hindi nakikita si Vice Ganda sa It’s Showtime.
Tanong ni Mama Loi, “gaano katotoo ‘nay na kaya isang linggo nang wala sa Showtime si Meme Vice Ganda eh dahil imbiyerna siya?”
Balik-tanong ni Ogie, “imbiyerna kanino?”
Wala namang naisagot si Mama Loi kaya sey ni Ogie, “ang alam ko lang, ha, kung kilala ko si Vice, naiimbiyerna siya kapag kulang-kulang ang hosts. Naiimbiyerna siya pag walang dahilan kung bakit naga-absent. Naiimbiyerna siya kung bakit hindi pa tapos ang show, may umaalis nang mga co-host.”
Kung sino raw ang kinaimbiyernahan ni Vice sa It’s Showtime, ayon kay Ogie ay hindi na niya alam although ayaw maniwala ni Mama Loi na walang alam ang kanyang partner.
Bukod kasi sa dating manager ni Vice Ganda si Ogie ay mabuti rin silang magkaibigan kaya posible talaga na alam niya ang dahilan ng pagkawala ng TV host sa show.
Pero nasabi na rin ni Ogie na baka nga na-imbiyerna si Vice sa ibang co-host.
“Kasi nga ‘yung di ba, hindi consistent sa pagpasok? Tapos parang si Vice, ‘yun lagi ang bumabangka, wala siyang kasaluhan, wala siyang kabatuhan,” sey ni Ogie.
Ang tanong, kanino nga ba naimbiyerna si Vice sa mga co-host niya? At true kaya ang isa pang tsikang narinig namin na baka tuluyan na siyang umalis sa It’s Showtime?
Pero ang alam din namin ay busy si Vice Ganda sa kanyang Metro Manila Film Festival entry with Ivana Alawi. So baka naman ‘yun lang ang rason.
Erik, nanghihingi ng dasal para sa ina
Humihingi ng dasal si Erik Santos para sa tuluyang paggaling ng kanyang ina.
Sinabi ito ni Erik sa ASAP stage last Sunday.
“I would like to ask for prayers for my mom for her complete healing. ‘Yung kantang ‘Wind Beneath My Wings’ ‘yun po ‘yung kanta ko sa kanya,” sabi ni Erik.
“It’s been so challenging for the family for the past months and gusto kong maging masaya siya so ‘pag napanood niya ’to alam kong magiging masaya siya dahil ‘yung kantang ‘to and on my very special day I would love to honor her and to say that I love you so much, Mommy,” dagdag pa ng singer.
Hindi na sinabi ni Erik kung ano ang karamdaman ng ina. Nagdiwang ang singer ng kanyang kaarawan, kahapon, October 10, at ang paggaling ng kanyang ina ang hinihiling niyang regalo for his birthday.
- Latest