Dominique, itinangging magiging lola na si Gretchen!

Dominique

Classy ang resbak ni Dominique Cojuangco sa intrigang magkaka-baby na siya.

Isang follower niya kasi ang nagtanong tungkol dito dahil paulit-ulit daw na pinag-uusapan sa isang vlog na preggy na siya kaya magiging lola na ang mommy niyang si Gretchen Barretto.

“Lol no baby. Just working full-time at The Collective,” aniya.

Aniya pa, dapat humanap ng magandang paraan ang vlogger para ubusin ang kanyang oras.

Nagpasalamat naman ang kanyang follower sa paglilinaw ni Dominique sa maling balita.

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang ma-engaged si Dominique sa kanyang kaeskuwela at kapwa negosyante na si Michael Hearn.

Nauna nang inamin ni Dominique sa interview ng Lifestyle Asia na hindi sila nagmamadaling pakasal.

“We’re not in a hurry. In fact, I never dreamed of a wedding even as a child. My parents never had a wedding. They aren’t married, but I think that engraved in me that it’s not about the wedding at all, but it’s about my marriage,” banggit niya sa nasabing interview.

Ang The Collective ay kanilang negosyo.

Samantala, marami nang nakaka-miss na netizens kay Gretchen.

Nang mabura ang Instagram account nito ay ‘di na ito ulit naging aktibo sa social media.

Dahil ‘di bitchy...Jaya , tinutulungan ng mga pinoy promoter / producer sa Amerika

Nakakatuwa naman ang kuwentong maraming tumutulong kay Jaya para makabawi ang kanyang pamilya matapos silang masunugan nung bagong lipat sila sa Amerika.

Kasama nga rito ang Fil-Am promoter/producer ng mga concert ng Pinoy artists sa Amerika na si Tommie Mopia. “Hindi ko pa nakausap si Jaya. We wanna help her para magkaroon ng maraming shows. Or get show for herself… makabangon din kasi nasunugan siya, e. ‘Di naman ibig sabihin na artista do’n, may pera agad. Lalo kalilipat pa lang niya. So we’re trying to give her concerts next year. Maybe tandem with Lani Misalucha, and Pops Fernandez. I worked with Pops and The Hitmakers. ‘Yun ang gusto naming gawin, like ‘yung i-collab namin with Jaya just to help her out. It’s gonna be a lot of shows next year,” chika ni Tommie nang makausap naman sa isang intimate interview two days ago.

Kamusta na ba si Jaya?

“She’s doing ok. She’s trying to rebuild up sa nangyari. Kaming mga producer, when that happened, nag-email lahat, ‘hey we wanna help out.’ Nagbigay kami (ng cash). Kasi she’s very nice. Her family is very nice. Wala siyang attitude. She’s very nice, she’s not bitchy. Kaya talagang tinulugan talaga namin. Isang tawagan lang, nag-send kami lahat. She really appreciates it. January next year, mag-start kami ng shows niya,” mahabang kuwento.

Actually, aside from Jaya marami pang nakalatag na concert ang grupo ni Tommie.

“Personally, I want Regine (Velasquez) and Sharon (Cuneta). And also for US artists, I wanna do at least, obviously hindi executive producer but at least line produce Bruno Mars and Justin Bieber. We have already talked to Justin Bieber’s team. Wala pa siya (Justin), but it’s a one-year process, so at least maka-tap in ka lang do’n, you’re good. So we have good friends sa team niya.”

May market ba ang Pinoy-pop like SB19 sa US na mas bata?

“Yes, there’s a market there even the Ben&Ben is coming to New York and it’s sold-out already. Ben&Ben and SB19 is coming in. So we’ve been talking to them na, maybe we might get the one in LA. Meron talaga sila don (market). So ‘yun ‘yung mostly na mga Filipino, kahit matatanda. Even me, I’ll go with Ben&Ben. I’ll do it. I’ll sponsor them. Gigi de Lana, oh my God, is a hot ticket. GG Vibes, grabe ang hot do’n. Kaya mahal ang talent fee niya. We’re trying to get Moira pero parang struggle kami kasi manager na yata niya... ni Moira,” pagkumpirma pa ni Tommie na CEO ng kanyang TGM Group of Companies Inc.

Samantala, kamakailan lang ay tumanggap ng parangal si Tommie bilang Gawad Amerika’s Outstanding Young Entrepreneur Award 2022.

Ogie at Regine, pikon na sa mga nang-iintriga sa kanilang pagsasama

Nagkaroon pala ng freak accident si Regine Velasquez nang mag-perform sa birthday ng ama ni Jhong Hilario.

Ayon sa Ogie Alcasid, safe na ang Asia’s Songbird. “Ty lord!!! Glad wifey is safe. She lost her balance while we were doing a spiel during a performance for the bday of the Father of @jhongsample.”

Pero iba naman ang tweet ni Regine.

Galit sa ibang nagwi-wish ng masama sa pagsasama nila ni Ogie : “By the way nakakapagud na yung mga taong nag papangap na “we care about her” and yet continues to wish my relationship with MY HUSBAND to fail I don’t understand anymore. Well I guess block kiti block na lang ako. Hay.”

Nauna na ring nag-tweet si Ogie at may pinari­ringgan din siya :  “There are a lot of angry people around. I pray that their anger subsides so that  real peace will reign in their hearts. The world is much too toxic and we all need relief from it. Spreading GV this am. Love to all.”

Payo naman ng kanilang followers na dedmahin lang ang mga ganyang nagwi-wish o masama ang iniisip sa kanila ng asawa.

Ganundin ang mga toxic people sa social media.

As long as solid daw ang relasyon nila, ‘wag silang paapekto.

Show comments