John Lloyd, nagmukhang taong babad sa arawan!
Hindi bagay kay John Lloyd Cruz ang kulay ng kanyang buhok ngayon.
Parang brown ang overtone at animo’y parang kulay ng buhok ng mga babad sa araw ang trabaho o ‘yung mga sumisisid o namamalakaya.
Totoo naman ang puna ng mga manonood ng kanyang comedy show na Happy ToGetHer na napapanood every Sunday ng gabi na may binabagayan ang ganung kulay ng buhok.
Sa kaso ni John, nagmukha siyang lumang aktor na nagpipilit na bumata ang hitsura.
Anyway, malamang pala na matuloy na next year ang pagtatambalan nilang serye ni Bea Alonzo sa GMA. Ito ang narinig kong usapan na tiyak itatanggi muna nila.
Joshua at Vlogger, HHWW sa mall
Spotted na holding hands while walking sina Joshua Garcia at vlogger na si Bella Racelis sa isang mall.
Though hindi raw agad ito nakilala dahil may face mask pero sinundan ng ibang netizens kaya’t nakumpirmang sila nga ang holding hands.
Pareho silang may post na ‘yung damit na magka-holding hands ang suot.
Pero may ilang bashers si Joshua na sumugod sa account ni Bella at inaakusahang mapanakit ang Kapamilya actor na isa ngayon sa pinakasikat.
Vice, nagwagi sa Asian Academy Awards
Nasungkit ng ABS-CBN ang 16 national honors sa 2022 Asian Academy Creative Awards (AAA), kung saan katatawanin muli nito ang Pilipinas sa regional awards sa Singapore sa Disyembre 8.
Sila ngayon ang masasabing nangungunang content provider ng bansa, umpisa nang mawalan ng franchise.
Makakalaban ng 16 na programa at personalidad ng ABS-CBN ang mga national winner mula sa ibang bansa sa Asia Pacific, kabilang ang kasalukuyang Best Entertainment Host na si Vice Ganda na nominado muli sa parehong kategorya.
Mayroong anim na national winner titles naman ang The Broken Marriage Vow kasama rito sina Jodi Sta. Maria bilang Best Leading Actress at Zaijian Jaranilla bilang Best Actor in a Supporting Role.
Tinanghal din ang hit series bilang national winner para sa Best Adaptation of An Existing Format, Best Promo o Trailer, Best Editing (Rommel Malimban), at Best Theme Song o Title Theme (Gusto Ko Nang Bumitaw ni Morissette).
Panalo naman ang It’s Showtime ang dalawang titulo sa kategoryang Best General Entertainment, Game, o Quiz Program at Best Direction (John Moll).
Apat na programa rin nila ang nanalo sa kani-kanilang kategorya. Ito ang KBYN: Kaagapay ng Bayan (Best Current Affairs Program or Series); ASAP Natin ‘To (Best Music or Dance Programme); Maalaala Mo Kaya – Beauty Behind Bars Episode (Best Single Drama o Telemovie/Anthology Episode); at The Crawl Singapore ng Metro Channel (Best Lifestyle Programme).
Hindi rin nagpahuli ang ibang Kapamilya artists nang masungkit nila ang kanilang national winner titles kabilang si Dimples Romana ng Viral Scandal (Best Actress in a Supporting Role) at Pepe Herrera ng My Papa Pi (Best Comedy Performance).
Samantala, Best Feature Film naman ang Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine).
Jessy, nilantad na nalabanan din ng kanilang anak ang COVID
Blooming preggy si Jessy Mendiola.
Sa kanyang latest post, pinakita niya ang maumbok na tiyan. “26 weeks today!,” caption ni Jessy kahapon.
Nauna na nilang pinakita ni Luis Manzano ang sonogram ng kanilang baby Peanut.
Sinabi nilang ok na ok ang baby pagkatapos gumaling sa COVID ni Jessy. “Peanut is okay. Peanut is normal, even after my COVID infection. We’re just really grateful kasi si Peanut, strong si Peanut. Normal ang growth niya, normal ang weight niya. Sino kayang kamukha?... Ang importante healthy siya.”
Maaalala ngang nilantad kamakailan ni Jessy na na-COVID siya.
“I’m sharing this difficult experience with you because I want to spread awareness that Covid-19 is still very much around. Even if protocols are easing up and there already is a mandate allowing people not to wear masks outdoors.. I hope we still protect each other in our own little ways.
“Sa mga preggy mommies/ladies, I’m sure makaka-relate kayo dito.. ang hirap pala talaga magkasakit kapag alam mong may dinadala ka sa iyong sinapupunan hindi dahil sa sarili mo, pero dahil magaalala ka talaga para sa baby/anak mo at siyempre para sa asawa mo,” ang kumpisal niya noong middle of September.
- Latest