^

Pang Movies

Sandara, balot na balot nang rumampa sa Paris Fashion Week

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sandara, balot na balot nang rumampa sa Paris Fashion Week
Sandara

Todo-rampa rin Paris Fashion Week si Sandara Park.

Though iba ang style ni Dara sa mga sinusuot ni Heart Evangelista.

Balot na balot si Sandara sa isa sa mga outfit niya.

Say nga ng ibang fans, very conservative si Dara.

May iba pang nag-comment na parang blanket lang daw na pinulupot sa K-pop idol ang suot niya sa isa sa mga pinuntahan niyang fashion show.

Sanay na si Dara na rumampa sa Paris Fashion Week at marami na siyang beses na inimbita para magsuot ng mga iba’t ibang brand.

Samantala, nasa PFW din sina Dra. Vicki Belo na proud na proud sa mister niyang si Hayden Kho na kasali sa isang camera store exhibit sa Paris – ang photo ng anak nilang si Scalet na kuha ni Hayden. “I am such a proud wife because @dochayden s photo of @scarletsnowbelo is on exhibit at the @leica_camera store in Paris . It’s so different when other expert photographers appreciate his art,” sabi ni Dra. Belo na second home na ang Paris kung saan nga sila ikinasal ni Hayden.

Present din sila sa Dior show at nakasama nila sa isang photo ang tatlong Pinoy fashion influencers na sina Bella Poarch, Bretman Rock at Bryan Boy.

Rabiya, pinisil-pisil ang ilong na napagkamalang retokado

Sa TikTok ni Rabiya Mateo sinagot ang intrigang retokada siya kaya ibang-iba na ang hitsura ngayon.

Sa kanyang TikTok account ay pinisil-pisil niya ang ilong gamit ang isang filter, Best Part of Your Face, at nilagyan ng caption na “Totoo ang chismis Hahahaha.”

Maraming nagkalat na photos niya noong bata siya lalo na noong pagkatapos niyang manalo sa Miss Universe PH at sinasabi ngang maraming inayos sa mukha niya at nag-iba ang hitsura since sumali siya sa mga beauty pageant.

Anyway, mapapanood ang buhay ng beauty queen-turned-actress sa real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman na si Rabiya pa mismo ang gaganap sa kanyang sarili.

Ayon sa ex ni Jeric Gonzales, dalawang bagay ang pinapangarap niya noong kanyang kabataan – una ay ang maging isang beauty queen at makilala ang kanyang ama.

Aminado si Rabiya na bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging beauty queen.

Bagama’t galing siya sa mahirap na pamilya, nagpursige naman siyang makaaral hanggang nakuha ng scholarship at naging working student.

Hindi naging madali sa kanya ang pinagdaanan lalo na nga at walang-walang talaga sila na kahit pambayad sa sa boarding house ay wala sila kaya’t nakikitulog siya sa sahig ng boarding house.

Nagbunga ang pagtitiis niya.

Hanggang nakapasok siya sa national pageant at ang Miss Universe PH noong 2021 ang nagbigay sa kanya ng bagong buhay.

Nang matapos ang kanyang reign ay pumirma siya ng kontrata sa Sparkle ng GMA Artists Center.

Hindi niya itinatago na kahit ‘di nakasama ang ama ay gusto niya itong makilala pero may pag-asa pa kaya silang magkita?

Isang Indian national ang ama ni Rabiya na ang pangalan ay Syed Mohammed Abdullah Moqueet Irfan Hashmi at doktor ito sa Chicago, Illinois, USA.

Sey nito sa isang interview wala raw siyang galit dito kahit na iniwan silang mag-ina noong bata pa siya sa Iloilo. Pero nais daw niyang mahanap ito para makilala. Ayaw raw niyang magsisi na hindi niya ginawang hanapin ito.

“My dad is always a part of me kahit hindi ako lumaki na kasama siya. He’s always been a source of inspiration, na gagalingan ko, na pagbubutihan ko para ‘pag nakita niya ako, sasabihin niya na, ‘Yang anak ko kahit pinabayaan ko ‘yan, she turned out to do well sa buhay. Mahal ko talaga ‘yung daddy ko, I really love him. Probably it’s also the daddy issues ‘no, that’s why. Pero overall, wala akong bitterness sa heart ko towards him,” aniya sa isang interview.

Mapapanood ang kanyang kuwento sa brand new episode ng Magpakailanman na pinamagatang Basta Ilongga, Guwapa: The Rabiya Mateo Story, Oct. 1, 8:15 p.m. sa #MPK.

SANDARA PARK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with