^

Pang Movies

Max, kabilang sa Fil-Am crime TV series

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Max, kabilang sa Fil-Am crime TV series
Max at Christian

Kabilang si Max Collins sa cast sa Season 2 ng American-Filipino crime TV series na Almost Paradise at streaming sa Amazon Freeve. Ang producer nito ay ang Fil-Am producer na si Dean Devlin.

In-announce ni Max ang involvement niya sa project nang i-post ang photo nila ng American actor at singer-songwriter na si Christian Kane. Sabi ni Max, “Secret’s out! I’m part of Almost Paradise season 2! Can’t wait for you all to watch it on Amazon Prime. So lucky I get to work with thus action star @christiankane1.”

Sa photo naman nila ni Dean Devlin, ang caption ni Max ay “Dreams do come true. So happy and grateful I got to work with the amazing @officialdeandevlin.”

Sa Cebu raw ang location ng series na tungkol sa retired Drug Enforcement Administration o DEA agent na nanirahan na sa Cebu, bumili ng hotel gift shop. Babalikan niya ang pagiging DEA agent dahil sa mga kriminal sa lugar. Role ito ni Christian Kane, hindi nabanggit ang role na gagam­panan ni Max.

Bukod sa American cast, maraming Filipino actors ang nasa cast ng Almost Paradise, kaya hindi malulungkot si Max. Kabilang sa cast sina Richard Yap, Ryan Eigenmann, Will Devaughn, Arthur Acuña, Zsa Zsa Padilla, Nonie Buencamino at Ces Quesada.

Jake, nilinaw ang paglayas sa Kapamilya

May tsismis palang iiwan ni Jake Cuenca ang ABS-CBN at lilipat at babalik siya sa GMA 7, kaya nilinaw at itinanggi ng aktor ang balita. Loyal daw siya sa ABS-CBN na kung saan, 16 years na siyang Kapamilya.

Binanggit din nitong part siya ng cast na Iron Heart na pagtatambalan nina Richard Gutierrez at Maja Salvador at kasama rin sa cast si Sue Ramirez.

“16 years Kapamilya strong,” lang ang tweet ni Jake na ang ibig sabihin, wala siyang balak umalis sa ABS-CBN para lumipat.

May mga nag-react namang Kapuso fans, wala naman daw silang nabalitaang in-offer ng GMA Network si Jake, kaya walang dapat ikabahala ang Kapamilya fans dahil hindi aalis sa ABS-CBN ang aktor.

Alma at Dina, walang pinagsamahang pelikula

First time magkakasama ang mag-inang Alma Moreno at Vitto Marquez sa comedy series ng Viva Entertainment at Cignal TV na Kalye Kweens na mapapanood sa TV5, simula bukas, Oct. 1, 8:30 p.m. Hindi nahirapan ang dalawa, lalo na si Vitto dahil mag-ina rin ang role nila sa series. May pabirong reklamo lang si Vitto, hindi raw siya binigyan ng tips ni Alma kung paano umarte sa comedy.

First time rin magkatrabaho nina Alma at Dina Bonnevie, pero naalala ni Alma na kapag may sakit siya, si Dina ang pumapalit sa kanya sa Loveli-Ness. Sinegundahan ito ni Dina, sumasayaw raw siya, hindi nga lang siya nagsusuot ng tanga.

Ang wish ngayon nina Alma at Dina, pagsamahin sila sa pelikula ng Viva Films. Drama man o comedy, tatanggapin daw nila dahil nag-enjoy silang magkatrabaho. Hindi nga nila maisip kung bakit hindi sila nagkasama sa pelikula at ‘yung isang ginawa nila ay wala pa silang eksenang dalawa, hindi tuloy nila maalalang magkasama pala sila sa pelikulang Throw Away Child.

MAX COLLINS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with