^

Pang Movies

Ate Vi, may selebrasyon sa kanyang 60th sa showbiz  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi, may selebrasyon sa kanyang 60th sa showbiz             
Vilma

Tahimik lang si Ate Vi (Vilma Santos) kung ano ang mga plano, o baka hindi rin niya alam ang mga plano para sa kanya. Kasi isang buwan mula ngayon, ipagdiriwang na ni Ate Vi ang kanyang ika-60 taon sa show business.

May nagsasabing baka raw may ilabas na isang television special para roon, pero sinasabi rin naman nila na gahol na sa panahon, hindi rin maliwanag dahil sa ngayon ay sinasabi niyang may gagawin siyang project sa ABS-CBN na wala pang franchise. Aywan kung gagawin lang nila ang special at ipalalabas nila sa ibang channels.

Sa celebration, sinasabi nilang siguro masasabi na rin ni Ate Vi kung ano ngang pelikula ang kanyang gagawin. Sinabi niyang sisimulan na niya ang proyekto ng director na si Erik Matti at producer na si Dondon Monteverde, pero hindi pa definite ang project na iyon at pinag-aaralan pa diumano.

Ang inaasahan ng Vilmanians, doon na nila malalaman more or less ang iba pang mga plano ni Ate Vi na hanggang sa ngayon ay hindi niya sinasabi. Mukhang ilag pa rin kasi siyang maglalabas dahil nananatili pa ang banta ng COVID-19.

Reunion ng E-heads, ‘di pa sigurado!

Baka hindi rin matuloy ang reunion ng Eraserheads sa December na hinihintay pa naman ng kanilang fans. Sinabi ng kanilang soloist na si Ely Buendia na hindi siya sasali sa concert kung hindi maaayos ng kanilang lead guitarist na si Marcus Adoro, na inireklamo ng anak na si Syd Hartha na pananakit sa kanya ng sarili niyang ama. Bagama’t hindi binabanggit ang pangalan ni Marcus, sinabi rin ng dati nitong asawang si Barbara Ruaro at nanay ni Syd, na siya man ay dumanas ng pambubugbog. Matagal na rin naman silang hiwalay, at ngayon si Barbara nga ang live-in partner ni Romnick Sarmenta, matapos noong hiwalayan ang asawang si Harlene Bautista.

Bukod kay Ely, may isa pang member ng banda na ayaw ring sumali kung hindi maaayos ni Marcus ang problema.

Sayang kung hindi matutuloy ang concert, na ang isa pa naman sa producers ay si Alden Richards.

Vhong, inayudahan ng isang milyon ni Willie

Ibinasura ng court of appeals ang apela ng komedyanteng si Vhong Navarro sa naging desisyon noon na nag-utos sa MTC at RTC ng Taguig na isampa laban sa kanya ang mga demandang pinawalang saysay noon ng piskalya.

Kasabay noon, hiniling naman ng legal team ni Deniece Cornejo na si Vhong ay ilipat na sa City Jail ng Taguig, dahil hukuman ng Taguig ang dumidinig ng kanilang kaso. Itinatakda kasi ng batas na ang isang suspect ay ma-detain sa city jail kung saan dinidinig ang kaso niya. Nilinaw pa nila na ang nade-detain lamang sa NBI ay iyong may mga kasong nasa ilalim pa ng imbestigasyon ng NBI.

Sa kampo naman ni Vhong, gusto nilang manatili ang komedyante sa NBI dahil natatakot sila sa kaligtasan nito kung dadalhin nga sa city jail ng Taguig, pero depende iyan sa magiging desisyon ng korte kung saan siya ikukulong.

Nabulaga rin ang legal team ni Vhong na nagpasuko sa kanya sa NBI, dahil ang akala nila ang lumabas na warrant lang ay iyong act of lasciviousness, pero habang inaayos ang release papers niya, lumabas ang panibagong warrant sa kasong rape na ayon sa batas ay walang bail.

Kailangan ngayong patunayan ng legal team ni Vhong na hindi sapat ang ebidensiya para kasuhan siya ng rape, para mapayagang magpiyansa. Pero matagal iyan at maaaring abutin ng mga tatlo o apat na buwan din.

Balita ring binigyan siya ng ayudang isang milyon ni Willie Revilame para sa kaso. Pero wala sa kapangyarihan ng mga senador iyan. Nasa korte na iyan.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with