Umamin si Polo Ravales na mahirap magkaanak.
Isang taon pang si Paulyn Quiza, isang fitness trainer ng maraming celebrity, pero ramdam niya ang hirap na maging isang magulang.
“Oh my God ang hirap magka-baby,” pag-amin niya sa aming interview.
“Hirap pala noh kasi lalo na ‘pag wala lang helper. Pero sobrang sipag ng partner ko, siya yung naglilinis ng bahay and then nagluluto. Ako yung nag-aalaga tapos ‘pag wala naman siyang gagawin siya yung mag-aalaga,” dagdag niya.
“Tapos ako naman yung kumbaga gagawin ko yung kung anong pwede kong gawin. Pero yung mga we going out wala na wala na ganon. Wala nang night life. Kasi ang hirap din magkaroon ng night life dahil nakakatakot,” sabi pa niya lalo na nung magka-COVID sila.
“Nagkaroon na kami ng COVID dati pati siya, pati yung baby namin tinamaan. Birthday ko pa last June. Meron dapat akong parang small celebration for my 40th birthday. Naka-prepare na sya, nakahanda na lahat, tinamaan kami ng 24. June 24 nagka-symptoms kami pati yung baby. Kaya hindi natuloy plus nakita ko hindi omicron yung tumama sa amin medyo malakas eh.
“Hinihingal kami. Good thing malakas yung baby.”
Hindi kayo na hospital?
“Hindi, nilagnat baby ko mga two days. So talagang naiiyak ako nun sabi ko ‘my God ganito pala yung feeling nun’. Hindi ko alam bakit yung ibang tao minamaliit nila yung covid. Sa amin hindi omicron eh so talagang ang tindi. So sabi namin yung night out wala muna not unless importanteng importante.”
Hindi naman alam ni Polo kung saan sila talaga nahawa.
Anyway, nakausap namin si Polo para ipakilala ang Japanese rapper na si Tomoro.
Gusto raw nitong magka-career sa bansa at meron silang common friend kaya tinutulungan niya.
Mayor Vico, hanggang VTR lang, naunahan pa ni Tali sa pag-arte
Nakausap namin sandali si Pasig Mayor Vico Sotto sa grand opening ng Tiong Bahru (Singaporean restaurant) sa Capitol Common in Pasig last Sunday morning.
Isa sa mga may-ari nito si Ms. Kathryna Pimentel, wife ni Senator Koko Pimentel.
At kasama sa nag-cut ng ribbon sa pagbubukas ng 5th branch ng Tiong Bahru sina Mayor Vico, Sen. Koko, at Singaporean Ambassador Gerard Ho at iba pa.
Isa itong authentic singaporean restaurant kaya tinanong namin si Mayor Sotto kung ano ang favorite niyang kainin. “Chicken ang isa sa favorite ko na pagkain kaya tuwang-tuwa po ako na meron na nito ngayon, authentic na hainanese chicken. Yes, multi awarded,” aniya dahil Michelin Bib Gourmand Awardee ang nasabing restaurant for 5 consecutive years.
“Ang daming bago, nakakatuwa dahil dalawang taon tayong walang mga restaurant na bukas. Nung unang nagbukas ang hina ng mga kainan natin. Pati yung retail medyo hirap kaya nakakatuwa dahil ang dami na ngayon, bumabangon na tayo, ibig sabihin nakakabawi na tayo mula sa COVID. Restaurants kita natin dumarami na yung kumakain,” pahayag ni Mayor Vico.
Pero anong masasabi niya na nag-aartista na rin ang kapatid niyang si Tali? Siya ba walang plano?
“Oo nga eh, as her older brother as her kuya I’m very proud of her.”
So may chance ba na magkaroon siya ng special appearance sa TV show nila Tali, with his dad Vic Sotto and Pauleen?
“Naku wala, hanggang VTR lang ako. Yun ang hindi ko namana sa mga magulang ko. Alam naman nila yun.”
Anyway, umaasa si Mayor Vico na magtutuloy-tuloy na ang pagbangon ng lahat lalo na nga at sa opening pa lang nitong Tiong Bahru, pila agad ang mga gustong kumain.
Bago ang branch sa Estancia ay meron na silang branch sa Makati, Quezon City, Uptown BGC and Global City.
GMA Kapuso Foundation, agarang nakapaghatid ng relief goods sa mga nasalanta ng Super Typhoon Karding
Mabilis na umaksyon ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa ilang lugar na sinalanta ng Super Typhoon Karding.
Bilang bahagi ng kanilang Operation Bayanihan project, namahagi ang GMAKF ng relief packs sa mga apektadong residente ng Infanta, Quezon. Papunta na rin ang iba pang team ng GMAKF sa mga bayan ng Dingalan at Baler sa Aurora.
Nagsagawa rin ng feeding program para sa mga inilikas na residente sa Obando, Bulacan at Bagong Silangan, Quezon City.
Magtutungo naman sila sa Polillo Island para magbigay ng tulong habang nananatiling nakabantay sa iba pang lugar na mangangailangan ng agarang relief operations.
Sa mga nais mag-donate, maaaring magdeposito sa iba’t ibang bank accounts ng GMAKF, pati na sa Cebuana Lhuillier, PayMaya, GCash, Globe Rewards, at Metrobank credit card.
Bisitahin lamang ang official website ng Kapuso Foundation para sa kumpletong detalye.