Kaloka na nasira na naman ang Sky Cable nung kalakasan ng ulan.
Buti na lang, mabait iyon Michael na nasa complaint department yata kaya sinasagot naman ako na nasa area na raw ang repair team nila.
Hay naku, kung kelan gusto mo manood saka naman wala, talagang lahat ng inconvenience binibigay sa akin.
Kasi nga siguro dahil luka-luka ako, kaya hayan may mga pahirap.
Ayaw siguro ni Bea Alonzo mapanood ko ang Start Up PH para hindi ko makita na mas younger looking si Alden Richards sa kanya. Or baka nga sa piggy back ride sa kanya nakasakay si Alden at tinutulungan siya nila Shirley Kuan at Dolor Guevarra para isakay si Alden sa likod niya.
Kahit ano sabihin, sure ako na mas mabigat si Bea Alonzo kay Alden Richards.
Except kung sira ang timbangan noh.
Nakakahinayang...
Sayang na hindi nanalo ang partylist ni Kathryna Yu-Pimentel na PDP Cares. Isa sa tunay na tumutulong at talagang sincere sa kanyang ginagawa si Kathryna.
Pero kahit pa nga hindi nanalo ang partylist nila tuloy ang trabaho niya. Walang hinto. Kaya naman sa rami nang natutulungan, talagang nanghihinayang ka kung bakit hindi ito napansin.
Sabagay, ang habol talaga ng grupo ni Kath Pimentel ay ang tumulong, gusto lang sana nila na mas maging matibay pa kung sakali at nanalo ang kanilang partylist.
Dahil sa mga charity at generosity niya masasabi natin na isa siyang malakas na ace sa pagiging Senador ng asawang si Koko Pimentel.
Halos lahat ng hindi maabot ng tulong ng office ni Sen. Pimentel nabibigyan ng tulong ng grupo ni Kath Yu-Pimentel. K
aya nga, sure kami, now nagsisisi na ang mga hindi pumili sa partylist nila.
Basta kahit natalo, tuloy ang buhay para kay Kath Yu Pimentel, at maligaya parin lahat ng natutulungan niya.
A big hand of applause for Ms. Kathryna Yu-Pimentel.