Barbie, pinag-aralan ang mga lumang tao
Excited and thankful si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na mapapanood na ng netizens ang upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, simula sa Oct. 3, 2022, sa GMA Telebabad. Matapos ang matagal-tagal ding wala siyang ginawang serye, natuwa siya nang isama siya sa produksyon, na makakasama niya sina Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang si Ibarra at ang friend niyang si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose na gaganap bilang si Maria Clara. Siyempre pa, hindi ikinakaila ni Barbie na masaya siyang nakasama na niya si Dennis na matagal na niyang celebrity crush at dream leading man.
“Humanga po ako sa mabusising produksyon, nang pumasok na ako sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal,” kuwento ng aktres sa Chika Minute ng 24 Oras. “Ako po si Klay rito, isang nursing student na papasok sa loob ng Noli Me Tangere at doon ko makikilalang lahat ng mga characters. Magsusuot din ako ng costumes ng panahong iyon, at hindi lamang iyon, pinag-aralan ko rin ang kanilang pananalita, at lahat ng iyon ay binantayan ng metikuloso naming director na si Zig Dulay. Iyon pong mga costumes namin grabe, legit na legit, ang init, ang bigat,”
Ang Maria Clara at Ibarra ay kinunan sa historical places sa Vigan City sa Ilocos Sur, na na-preserve ang Spanish colonial and Asian architecture, tulad ng Calle Crisologo, ang Vigan Cathedral, Plaza Salcedo ang Plaza Burgos.
Beauty, in demand
Finale episode na today, Sept. 23, ng top-rating GMA Afternoon Prime na The Fake Life, at marami nang nag-aabang kung magiging happy ending ang serye nina Ariel Rivera, Sid Lucero, at Beauty Gonzalez. Magkakasama-sama pa rin kaya sina Onats (Ariel) at Cindy (Beauty) at mga anak nilang sina Jaycie at Jonjon, na pilit pinaghihiwalay ni Mark (Sid)?
Thankful naman si Beauty, na may kasunod na agad siyang bagong teleserye. Sa ngayon ay nagti-taping na siya ng third episode ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Makakasama niya for the first time sina Aiko Melendez, Thea Tolentino and Angel Guardian as her sisters.
Ken, sisingit ng concert sa negosyo
Habang inihahanda pa ang susunod na GMA series ni Ken Chan, hinarap muna niya ang pagbubukas ng third branch ng kanyang café na Cafeclaus sa Eastwood Citywalk this Sunday, Sept. 25. Pero ang opening ay magiging isang concert, ang CLAUSchella na tatampukan ng kapwa Kapuso artists ni Ken, na kasama niya sa Sunday show nila sa GMA 7, ang All-Out Sundays, na sina Glaiza de Castro, Kyline Alcantara, Bianca Umali, Ruru Madrid, Mark Bautista, Mavy Legaspi, Betong, Jeremiah Tiangco at marami pang iba. At dahil Christmas na nga, very special guest ni Ken si Jose Mari Chan.
Available na ang tickets, prices are: Green P1,500 Red P500 White P100. Text (0917) 123 0822 for your tickets now!
- Latest