Angelica nawindang sa rami nang regalo ni Kim sa kanyang anak
Ipinakita ni Angelica Panganiban ang sandamakmak na ibinigay na gifts ng best friend niyang si Kim Chiu para sa kanyang malapit nang isilang na baby girl.
Isa si Kim sa ninang ng baby ni Angelica, gayundin ang isa pa nilang friend na si Bela Padilla.
Sa video na ipinost ni Angelica sa kanyang Instagram Story, she wrote, “momsy @chinitaprincess may contest po ba sa pagiging ninang?”
Inisa-isang ipinakita ni Angelica ang mga regalo at talaga namang pagkarami-rami. Iba’t ibang klase ng baby needs at baby supplies, may damit, may shoes, etcetera.
Sey ni Angge, “grabe ‘yung ninang Kimmy, hindi po siya nagpakabog sa mga padala. Ayaw po niya ‘yung napag-iiwanan siya. Tingnan po ninyo, akala ko anak niya.”
Biro pa ng aktres, kinakabahan daw siya dahil baka agawin sa kanya ni Kim ang kanyang anak.
She wrote, “baka hiramin ko na lang sayo ang baby ko?”
“Parang kinakabahan ako, parang ipinabitbit lang sa sinapupunan ko ang bata. Parang kukunin po niya sa dami po ng kanyang ipinadala,” sabi pa ni Angelica.
“Baby mo ba ‘to, momsy?” tanong pa ni Angelica. Hahaha!
“Thank you so much talaga. Ang dami-dami! It’s never-ending,” sabi pa ni Angelica na hindi matapus-tapos sa pagpapapakita ng mga regalo ni Kim dahil sa rami.
Dagdag pa niyang biro, “sana pati educational plan, ipinadala mo na.”
Pabiro ring inengganyo ni Angelica ang netizens na kunin ding si ninang si Kim.
“Iba ka magpaandar moms. Get nyo siyang ninang guys,” she wrote.
Anyway, sa isa pang IG story ay sinabi ni Angelica na nasa last-minute preparation na siya kaya we guess na due na talaga siya.
“Making my last minute prep and laundry…anytime now,” aniya.
Michelle Aldana nakikiramdam pa kung magtatagal sa Pilipinas
Balik-showbiz na ang aktres at dating beauty queen na si Michelle Aldana at tinanggap ang upcoming GMA-7 drama series na Nakarehas na Puso.
Mahigit dalawang dekada ring nawala sa showbiz si Michelle. Umalis siya ng Pilipinas nong 1998 mamuhay ng normal sa ibang bansa at bumuo ng sariling pamilya.
Ayon kay Michelle, noon pa ay marami nang offer sa kanya na project pero talagang nagustuhan daw niya ang Nakarehas na Puso. “Marami naman mga project na ipinapasok dati pa, pero nang ibigay sa akin ito, nabasa ko yung synopsis. Nakita ko yung role.
“Sabi ko, to na talaga. It’s very challenging kasi hindi pa ako nakaarte ng isang kontrabida na sobrang kontrabida, and this is my first teleserye,” pahayag ni Michelle sa digital mediacon ng ‘Nakarehas na Puso.’
“Noong umalis ako, telemovies pa lang. Tapos ito, ang haba. Makikita mo talaga ang back story ng bawat karakter. So, sabi ko, gusto ko ito. Maganda ito, subukan na natin.
“At saka time na rin kasi malalaki na rin yung mga anak ko. Pupuwede na akong magpabalik-balik. Meron talagang time sa lahat at ito na siguro ang oras,” sey pa niya.
Makakasama niya sa serye ang award-winning actress na si Jean Garcia na aniya ay isa sa mga hinahangaan niyang kontrabida sa mga teleserye at pelikula.
“It’s an honor na masasampal at masasabunutan ko si Miss Jean Garcia. It was really terrifying for me, yun ang word, kasi natakot ako.Hindi pa ako nakipagsampalan nang ganyan.
“The last time yata na nakipagsampalan ako was with Miss Sharon Cuneta. Itong si Miss Jean, e, pinapanood ko nga yung Lolong at saka napanood ko siya dati as Claudia,” sey ni Michelle.
Hindi pa masagot ng comebacking actress kung tuluy-tuloy na ang pagbabalik niya sa showbiz.
Aniya, “sa present moment muna ako. Titingnan ko muna at ini-enjoy ko. We’re still taping. Marami akong natututunan.”
Magsisimula na ang Nakarehas na Puso ngayong September 26, sa GMA Afternoon Prime.
- Latest