Pagdating sa pagdirek ng mga teleserye sa Pilipinas, isa sa matatawag na O.G (Original Gangster) ay si Direk Gil Tejada Jr.
Noong nagsisimula pa lang ang teleserye craze sa Philippine television noong ‘90s, isa na si Direk Gil sa nangunang magdirek at ilan sa mga nagawa niya ay ang mga produced ng Viva Television na Tierra Sanggre, Anna Karenina, Villa Quintana at May Bukas Pa.
Sa GMA ay isa si Direk Gil sa nagdirek ng mga teleserye na pinagbidahan ng mga Kapuso actresses tulad nila Tanya Garcia (Sana Ay Ikaw Na Nga), Yasmien Kurdi (Pati Ba Pintig Ng Puso?), Sunshine Dizon (Bakekang), Krystal Reyes (Mga Mata Ni Anghelita), Nadine Samonte (Maging Akin Ka Lamang), Heart Evangelista (Luna Mystika), at marami pang iba.
Isa nga sa paboritong katrabaho ni Direk Gil ay si Jean Garcia na noong 2010 pa niya huling nadirek sa teleserye na Ina, Kasusuklaman Ba Kita? kasama si Jennica Garcia. Ngayon ay magkatrabaho na ulit sila sa Nakarehas na Puso.
Matapos ang mahigit isang dekada, aminado si Direk Gil na malaki ang pinagbago ni Jean, hindi lamang sa pag-arte kung hindi pati sa disposisyon nito sa buhay.
“Actually, napansin ko sa acting ni Jean, naging mature siya. I mean, hindi lang sa trabaho but personally, ang laking pagbabago ng akin kapatid, sobra. I never thought na ganun ‘yung nakita ko at na-experience ko sa kanya ngayon. Mas gusto ko ‘yung aura niya ngayon, ‘yung outlook niya sa buhay, ‘yung pananaw niya sa trabaho. Alam naman natin na very professional siya, pero more than that, maraming puso ang kanyang nilalabas ngayon na makikita mo na different Jean Garcia from way, way back.”
Kinilig naman si Jean sa papuri ni Direk Gil sa kanya na kinauutangan niya ng loob pagdating sa pag-arte niya sa teleserye.
Hollywood actress na si Susan Sarandon, nakatutok kay Inigo!
Nakatanggap ng personal na pagbati sa kanyang kaarawan noong nakaraang Sept. 14 si Inigo Pascual mula sa Oscar winner at co-star nita sa FOX series na Monarch na si Susan Sarandon.
Sa Instagram post ni Inigo, nag-share ito ng photo na kasama niya ang Hollywood actress sa set ng Monarch. Nagbalik-tanaw ang aktor sa unang araw ng pag-shoot niya para sa naturang series na napapanood ngayon via iWantTFC.
Caption pa niya: “Exactly a year ago today, was my first day on set for @monarchonfox. My first day on set was also my birthday, and I was both stressed out and excited about it. I didn’t want anyone to know about my birthday or give me extra attention just because of my birthday. I was too shy. Before one of the scenes, they brought out a cart with balloons and a cake and started singing Happy Birthday. I was so grateful but scared for my life that I would have to do a speech and not know what to say since it was my first day. Thankfully we had to rush back into filming because of time. So grateful for my Monarch family after that scene I went up to my Grandma Dottie @susansarandon and told her that all I wanted for my birthday was a selfie with her.”
Nag-reply si Susan sa post na iyon ni Inigo.
Aquaman star Jason Momoa, Pinaahit ang buhok para makiisa sa pagpapatigil ng paggamit ng plastic
Pinaahit na ni Aquaman star Jason Momoa ang kanyang trademark na long hair bilang suporta nito sa environment at sa pagtigil ng paggamit ng single-use plastic na nakakasira sa karagatan sa buong mundo.
“Shaving off the hair. Doing it for single-use plastics. I’m tired of these plastic bottles, we gotta stop. Plastic forks, all that s**t. S**t goes into our land, goes into our ocean. ... The things in our ocean, it’s just so sad. So, please, anything you can do to eliminate single-use plastics in your life. Help me,” pakiusap pa ng aktor sa marami.
Bilang siya nga ang gumaganap na Aquaman, maingat ang 43-year-old actor kapag nagsu-shoot sila sa dagat. May dala siyang sariling aluminum water bottle at parati siyang may dalang reusable bag para sa kanyang mga gamit at paglagyan ng mga basura niya.
Sa latest post niya sa Instagram, nagpalagay ng tribal tattoo si Momoa na simbolo ng kanyang pagiging native Hawaiian.
Nasa New Zealand ngayon si Momoa para sa sisimulan niyang Apple TV+ series na Chief of War.
According to Variety: “Chief of War follow an epic telling of the unification and colonization of Hawaii from an indigenous point of view.”