Nagbabalik-showbiz ang 1993 Miss Asia-Pacific-turned actress (na namirmihan sa ibang bansa ng maraming taon) na si Michelle Aldana sa pamamagitan ng upcoming afternoon TV series ng GMA, ang Nakarehas na Puso na pagsasamahan nila ni Jean Garcia at ang nagbabalik-showbiz ding actor, ang dating Seiko Films sexy actor na si Leandro Baldemor.
Ang nasabing serye ay tinatampukan din nina Edgar Allan Guzman, Vaness del Moral, Claire Castro, Ashley Sarmiento, Bryce Eusebio at iba pa with Direk Gil Tejada, Jr. at the helm.
Si Michelle ay nagsimula sa showbiz isang taon matapos ang kanyang reign as Miss Asia Pacific in 1993. Ang yumaong Movie King na si Fernando Poe, Jr. ang kumuha sa kanya bilang leading lady niya sa pelikulang Hindi Pa Tapos Ang Laban in 1974 na naging daan ng kanyang sunud-sunod na movie projects which include Sigurista, Wala Nang Iibigin Pang Iba, Mauna Ka, Susunod Ako, Estranghero at iba pa.
In 1998, tinalikuran ni Michelle ang kanyang showbiz career para mangibang bansa hanggang siya’y nag-asawa sa German businessman na si Christoph Heinermann kung kanino siya nagkaroon ng dalawang anak.
After four years sa Germany, ang dating mag-asawa ay nag-relocate sa South Africa kung saan ipinagpatuloy ni Michelle ang kanyang pag-aaral ng kanyang master’s degree ng European Literature sa University of Witwatersrand. Pero hindi naglaon ay nag-divorce sila ng kanyang (dating) mister at muli siyang nag-asawa sa British-South African businessman na si Edward Burke at nagkaroon sila ng isang anak pero na kay Michelle rin ang dalawa nilang anak ng kanyang unang mister.
Marami ang nagulat nang malamang magbabalik-showbiz si Michelle na napakaganda pa rin hanggang ngayon.
State funeral ni Queen Elizabeth II, inaasahang dadaluhan ng bisita mula sa buong mundo
Siguradong naka-beam ang buong mundo sa State Funeral ng longest-reigning monarch na si Queen Elizabeth II na sumakabilang-buhay nung Sept. 8, 2022 sa edad na 96 sa kanyang Balmoral Castle in Scotland.
Ang bagong talagang si King Charles III, panganay na anak ni Queen Elizabeth II at ang yumao nitong mister na si Prince Philip (na sumakabilang-buhay nung April 2021) at mga kapatid nitong sina Princess Anne, Prince Andrew at Prince Edward at mga anak ni King Charles III na sina Prince William, now Prince of Wales at Prince Harry ang mangunguna sa funeral service sa gaganapin sa Westminster Hall ng Westminster Abbey kung saan ngayon nakahimlay ang Mahal na Reyna sa loob ng apat na araw mula nung nakaraang Miyerkules (Sept. 14, 2022) for public viewing.
Pagkaraan ng funeral service sa Westminster Hall ay magkakaroon procession (tulad nung nakaraang Wednesday nang ilipat mula sa Buckingham Palace) papuntang Westminster Hall na pangungunahan mismo ni King Charles at kanyang mga kapatid maging ang mga anak niyang sina Prince William at Prince Harry kasama ang kanilang respective wives na sina Kate Middleton at Meghan Markle.
Nasa ibabaw ng Royal State draped-coffin ni Queen Elizabeth II ang orb at scepter ng reyna.
Ang coffin ay ililipat sa State Gun Carriage na siya ring ginamit sa funeral procession ng ama ni Queen Elizabeth II na si King George VI.
Inaasahan ang pagdalo ng about 2,000 guests na binubuo ng royal families sa buong mundo, mga state heads ng iba’t ibang bansa at iba pang VIPs and dignitaries.