^

Pang Movies

Pag-ihi, malaki ang importansya sa katawan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pag-ihi, malaki ang importansya sa katawan
Lolit

Talagang mahiwaga ang buhay. Dati ‘pag naaabala ang tulog ko sa gabi dahil kailangan kong umihi, naiirita ako. Pero ngayon, pray ako na sana maihi ako dahil ‘pag hindi na marami ang pag-ihi ko gagawing three times ang dialysis ko.

Ganun pala kalaki ang importansiya ng pag-ihi sa bawat tao. Kasi nga ‘pag hindi nailabas ang water sa loob ng katawan mo lagi kang mahihilo at magkakaroon ng manas.

Kaya pala ang iba sinasabi natin bakit namamaga, dahil pala iyon sa sobrang tubig sa katawan.

Naku dahil sa sakit ko, parang nag-aaral na ako ngayon ng medicine at ang major kidney situa­tion. Malditang kidney natin na sobrang umarte kaya ang daming complications.

Imagine mo ang dami nang nagpapa-dialysis.

Grabe sa acting ang kidney ha. Lagi siyang papansin. Naku, kung alam ko lang, pinalitan ko na sana noon pa iyang mga kidney ko, ginawa kong double strong at hindi puwedeng masira.

O kaya ginawa kong trouble-free at lifetime insurance na hindi puwedeng masira basta-basta.

Naku love thy kidney pala dapat tayo, or else big big problem talaga. 

Mga pagkaing binebenta online, parami nang parami!

Isa yatang mali na natutuhan ko sa pag-standby sa bahay ay ang mag-order ng mga nakikita kong photos ng pagkain sa online.

Grabe pala ang dami ng mga pagkaing ibinebenta online. At isang malaking pagkakamali ang pinag-aralan ko kung paano mag-order, hah hah.

Naging addict ako na halos lahat ng makita ko, inoorder ko. At talagang ‘yung iba dahil malayo, mahal ang delivery fee at ‘pag dinagdag mo iyon sa cost ng binili mo mahal na rin ang lalabas. Ang iba, ok ang lasa, puwede kang mag-order uli. ‘Yung iba masarap lang tingnan sa photo, madi-disappoint ka ‘pag kinain mo na.

Naku talagang sa rami ng nasa online puwede ka nang huwag lumabas ng bahay. Mabuti na lang at medyo bobo ako, kaya hirap akong pag-aralan ‘yung iba pang apps na nasa phone, hah hah.

Or else sure ako, natabunan na ako ng mga order ko na kung anu-ano lang naman. Buti na lang, hanggang tingin lang muna ako, sabay tawag kay MJ ‘pag gusto kong umorder, or else, no more money ako.

LOLIT SOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with