^

Pang Movies

Xian, excited na sana sa ABS-CBN Ball   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Xian, excited na sana sa ABS-CBN Ball                
Xian

Kinumpirma ni Xian Lim na dadalo siya sa ABS-CBN Ball at siyempre, ang partner niya ay walang iba kundi ang Kapamilya girlfriend na si Kim Chiu.

In fact, nakatanggap na raw ang aktor ng imbitasyon para sa nasabing ball at hinintay lang niya na sabihan siya ni Kim.

“Hinintay ko lang ‘yung invite from Kim e. Ayoko naman biglang mag-ready tapos hindi pala ako invited,” sabi ni Xian sa panayam ng ABS-CBN.

Inamin ng aktor na sobra siyang natuwa nang makatanggap ng imbitasyon from Kapamilya network since as we all know ay isa na nga siyang Kapuso ngayon.

“Sobra akong na-happy na nabigyan ako ng invitation. Siyempre, hindi ko naman iisipin na, ‘okay, baka kasama na ako diyan.’ So I’m very happy and I feel very privileged and it’s an honor na mabigyan pa rin ako ng imbitasyon. So thank you, Star Magic,” ani Xian.

Pero sadly, nag-announce ang ABS-CBN na hindi tuloy ang ABS-CBN Ball na nakatakda sana sa Oct. 2.

Janelle, ‘di suportado ng magulang ang paghuhubad

Inamin ni Miss Earth Philippines 2019 Janelle Tee na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng parents niya ang kanyang pagpapa-sexy. “Hindi talaga namin pinag-uusapan ho ‘yung pagpapa-sexy ko,” aniya sa ginanap na private screening ang mediacon ng latest sexy film niyang The Escort Bride.

“Much better na rin po na ganu’n kasi nga, nasa Davao po kasi sila, wala naman sila dito with me, so hindi talaga nila nakikita or kung napapanood man nila, sa interviews lang,” patuloy niya.

Bagama’t hindi nga nila ito pinag-uusapan na, alam naman daw niyang hindi pa tin talaga tanggap ng magulang niya ang ginagawang pagpapa-sexy.

“I know, until now, ‘yung pagpapa-sexy siyempre, alam ko na hindi pa rin nila tanggap,” she said.

Marami ang pumupuri kay Janelle sa kanyang pag-arte kabilang na ang mga direktor na nakakatrabaho niya pati na rin ang kanyang co-stars at wish niya na sana raw ay nakikita rin ito ng kanyang pamilya.

“I hope na they are also proud of me in terms of the acting skills na naipapakita ko sa mga fims,” aniya.

Samantala, sa The Escort Wife ay kakaibang acting skills na naman ang ipinakita ni Janelle bilang asawa ng karakter ni Raymond Bagatsing. Kasama rin sa pelikula si Ava Mendez at introducing si Yves Santiago.

Magsisimula nang ipalabas sa Vivamax and The Escort Wife sa Sept. 16.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with