Carlos, suki ng aksidente bago mag-birthday  

Carlos

Nagbigay ng update si Carlos Agassi tungkol sa ginawang operasyon sa kanyang tuhod na natamo niya sa paglaro ng basketball.

Sa kanyang Facebook account, pinost ni Agassi na isang success ang ginawang knee surgery sa kanya. Nangako siya na hindi na siya maglalaro ng basketball at magku-coach na lang daw siya.

Pero sa tulong ng kanyang girlfriend na si Sarina Yamamoto, na-motivate siyang maniwala na magi­ging maayos ang lahat.“Just finished a successful surgery. thank you sa prayers and moral support my family and friends. grabe and sakit sa katawan at bulsa, iwas accident lang talaga and save up. swerte ko, my friend dr Rich Pasion is my doctor and kalaro ko basketball haha. mukhang retired na ko, coach team manager nalang ako. tnx my love Sarina Yamamoto Agassi for being my guardian angel, thru this depression and effiort of taking care of me, swerte ko and momskie we love u so much,” post ni Carlos.

Suki na raw ng freak accidents si Carlos at nangyayari raw ito bago sumapit ang kanyang birthday. Last week ay naglaro ng basketball ang aktor at mali ang pagbagsak niya kaya napuruhan ang kanyang isang tuhod. Dahil sa aksidente, hindi raw siya makatayo at makalakad. Natakot ang aktor na baka maging permanent ang pagiging baldado niya.

Two years ago, naaksidente naman si Carlos sa sarili niyang gym sa bahay. Nadapa siya at tumama ang mukha niya sa sahig. Natamo ay six stitches sa pumutok niyang kilay at four stitches naman sa kanyang dumugong gums.

Euphoria star Zendaya, nakadalawa na Emmys

Gumawa ng history sa nakaraang Primetime Emmy Awards ang 24-year-old singer-actress na si Zendaya.

For the second time ay naiuwi ng Spider-Man star ang Emmy for Outstanding Lead Actress in a Drama Series para sa pinagbidahan niyang HBO series na Euphoria kung saan ginampanan niya ang papel na Rue, isang teenager na nalulong sa iba’t ibang droga.

Una siyang nanalo noong 2020 sa online awarding ng Emmy dahil kasalukuyang may COVID-19 pandemic noon. Kahit sa bahay lang ay nag-gown si Zendaya at hinatid sa kanya ang tropy.

Ngayon ay siya na ang youngest two-time winner sa naturang category in Primetime Emmy history. Tinalo niya ang mga mahuhusay na performances nina Jodie Comer (Killing Eve), Laura Linney (Ozark), Melanie Lynskey (Yellowjackets), Sandra Oh (Killing Eve), at Reese Witherspoon (The Morning Show).

Show comments