Ruru, naalala ang pagtitiis noon sa french fries!
Kaya nang bilhin ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang gusto niya. Nakaranas na rin ng maayos na buhay ang pamilya niya.
Sa interview kay Ruru ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel, ibinahagi niya ang pinagdaanan nilang hirap bago maging komportable sa buhay ngayon. “Madalas kaming gutom ng tatay ko kapag pumupunta kami sa audition. Una naming binibili ang suot ko para maging maayos ang damit ko.”
Eh dahil sa Marikina sila nakatira, nanghihiram ng motor at helmet ang daddy niya para may magamit sila. “Minsan, may nadaanan kaming drive through. Gusto ko ng fries. Eh nang mag-check ang daddy ko ng pera niya sa wallet, kulang pambili ng fries. Nagtiis na lang kami,” kuwento ni Ruru kay Toni.
Minsan nga raw, natutulog sa labas ang pamilya niya. Kaya nga nagsikap siya upang hindi na maranasan ng pamilya ang hirap sa buhay.
Pinalad mapasali sa Protégé si Ruru. Si Dingdong Dantes naman ang nagsama sa kanya sa isang show.
Pero ngayon, namamayagpag na ang career ni Ruru na tinataguriang Action Prince, Junior Action Drama Prince at Hottest Action Star dahil sa kaliwa’t kanan niyang showbiz commitments.
Most-watched ang Lolong ni Ruru ngayon. Kasama siya bilang runner sa Running Man Philippines at ang singing at dancing skills niya ay napapanood sa All-Out Sundays. Mayroon na rin siyang YouTube channel
Ruru rules ngayon! No more pain sa buhay at happy ang kanyang lovelife, huh! Inggit much ang karamihan kay Ruru!
GMA, nag-adjust sa ALLTV?!
Binago ang mga oras ng shows sa GMA at GNTV kahapon.
Ang TikToClock, ginawang 11:15 a.m.-12nn ang telecast. Ang Balitanghali sa GNTV, balik sa 11 a.m.
May kinalaman kaya ang launching ng AllTV kahapon kaya napalitan ang oras ng shows na ito?
- Latest