^

Pang Movies

Buboy, proud na nagsimula sa pagiging mangangalakal   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Buboy, proud na nagsimula sa pagiging mangangalakal              
Buboy

Isa pang kinagigiliwang panoorin ng netizens ang dalawang gabing reality game show every week, ang Running Man Philippines every Saturday at 7:15 p.m. at Sunday, at 7:50 p.m. Nakakaaliw naman kasi talagang panoorin kung paano makipaglaban sa isa’t isa ang agents na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Villar.

Alam ba ninyong si Buboy ang isa sa paboritong agent ng netizens? Sa kabila ng kanyang height, walang inuurungan si Buboy basta siya maka-deliver, okey lang sa kanya. Si Buboy kasi, nasanay nang tanggapin kahit anong pagsubok sa buhay, simula pa noong bago pa lamang siya nagsisimula sa showbiz.

At isang tao ang labis-labis ang kanyang pasasalamat, kay Marian Rivera, na nagsimula nang magkasama sila sa Dyesebel. “Kung hindi po dahil sa kanya at kay Direk Joyce Bernal, sa pagtitiwala nila sa akin, hindi po mabubuo itong Buboy. Kaya thank you Ate Yan, sobrang laki ng tulong at part mo sa buhay ko kasi ikaw ‘yung naging ate ko noon. Lalo na ngayon, magkumare pa kami, ninang siya ng panganay kong si Vlanche. From mag-ate to mag-kumare, na kami ngayon. Hindi ko malilimutan na basta may project siya, niri-request niya akong makasama. Kaya nagkasama rin kami sa Amaya at Super Inday.”

Hindi rin ikinaila ni Buboy na nagsimula siya as a ‘mangangalakal’ para may pang-bigas, “Lahat ng ginagawa ko, pangkain para sa pamilya. Iyon ang naging gasoline ko para maka-move forward kung ano po ang pwede kong gawin para sa pamilya ko.”

Dingdong, babalik sa teleserye

Tiyak na masaya ang araw-araw na sumusubaybay sa Family Feud dahil mai-extend pa ito ng third season, hanggang December 2022. Matagal na na­ming nakausap noon ang host na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at natanong namin siya kung hanggang kailan mapapanood ang Family Feud. “Hindi ko pa alam kung hanggang kailan kami, pero may gagawin akong teleserye na susunod kong assignment sa Kapuso Network,” sagot ni Dingdong. “Depende sa network kung hanggang kailan kami tatagal. Thankful nga kami ng production dahil gabi-gabi kaming mataas at nagti-trending sa rating game ang show.”

vuukle comment

BUBOY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with