Favorite dogs ni Queen Elizabeth, aalagaan ni Prince Andrew
Nanonood ako sa BBC ng mga nagaganap sa funeral ni Queen Elizabeth II.
Grabe ang mga taong lumabas para makita ang funeral car.
Siyempre part ng history ang mga pangyayari, kaya all over the world inabangan ito.
Patunay din na talagang mahal ng nasasakupan niya si Queen Elizabeth.
Pero imagine namatay siya sa edad na 90+ parang handa na ang lahat na tanggapin ito.
The longest reigning queen, matagal niya ginampanan ang kanyang trabaho.
At the end of her journey, nakita niya ang pagmamahal sa kanya ng lahat.
At salamat na ang limang paborito niyang Corgi dogs ay aalagaan ni Prince Andrew, kasi sure ako na sad din ang mga dogs na naiwan ni Queen Elizabeth.
Gaya ng dalawang dogs na naiwan nun ni P’noy o Noynoy Aquino, iyon din ang agad pumasok sa isip ko, who will take care of the dogs.
Dahil parang mga tao rin iyan na naulila, nawalan ng nagmamahal sa kanila.
Kung minsan nga I feel guilty dahil everytime, ang naiisip ko sino mag-aalaga sa mga dogs ko pag nawala ako, hindi ko iniisip sino at paano na mga anak ko.
Dahil siguro alam ko na puwede na nilang alagaan sarili nila, pero iyon mga dog ko hindi alam saan pupunta.
Basta meron kayong pets, parang anak n’yo ito, iisipin nyo rin what will happen to them pag wala na kayo.
Saka sure ako sad din sila, feel din nila ang iyon pagkawala ng isang mahal sa buhay.
So always think ahead, isipin din kung sino mag-aalaga ng pets n’yo pag nawala kayo sa piling niya.
- Latest