^

Pang Movies

Barbie Imperial nilinaw ang isyu kina Daniel at Xian, ‘di nakapagsinungaling sa ‘jowang’ pulitiko   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Barbie Imperial nilinaw ang isyu kina Daniel at Xian, �di nakapagsinungaling sa �jowang� pulitiko              
Barbie

Finally ay nagsalita na si Barbie Imperial tungkol sa mga pagkaka-link niya kina Daniel Padilla at Xian Lim.

Matatandaang nagsimula ang tsismis na diumano’y may namamagitan kina Barbie at Daniel nang kumalat ang video noong Enero kung saan ay makikita ang aktres na nasa bahay nina DJ.

Sa latest YouTube vlog ni Barbie, sa kauna-unahang pagkakataon ay in-address niya ang isyung ito.

Aniya, sobrang nahihiya raw siya sa girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo nang pumutok ang issue.

“Ngayon ko lang yata sasagutin ito kasi nanahimik talaga ako. As in noong time na ‘yon, nung nangyari ang tsismis na ‘yon siyempre nahiya ako unang-una kay Kath kasi ano ang iisipin niya ganito-ganyan,” simula ni Barbie.

“Pumunta ako ng bahay ni Tita Karla, kasi first, kaibigan ko si Tita Karla at si Magui ay kaibigan ko rin. At nung pumunta ako noon, sobrang  kaka-break lang namin actually ni Diego (Loyzaga) nu’n. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, sina AtE Ara (Mina), ayun,isa rin si Tita Karla.

“So pumunta ako kay Tita Karla kasi wala si mama rito. Ayaw ko kasi na kapag kaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ako ng gimikan, iinom, hindi ganu’n. Parang lalapit ako sa parang mom talaga mag-advice. And para fair ‘yung advice. Si Tita Karla kasi kilala niya rin si Diego, anak-anakan niya rin si Diego,” mahabang paliwanag ni Barbie.

Paglilinaw pa niya, wala nga raw si Daniel that time nang pumunta siya.

“So pumunta ako doon na wala nga si DJ doon. Wala si Daniel doon. Ang nandoon lang ay si Tita Karla, ibang family ni Tita Karla, si Magui. Nandoon din ang Beks Battalion. So for me, parang ‘talaga ba kung may gagawin akong masama nandoon ‘yung Beks Battalion, nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman.’ So wala, walang walang truth ‘yon. And nirerespeto ko kung ano ang meron sina Kath and DJ,” aniya.

Itinanggi rin ni Barbie  ang isyung dinamayan at niyakap siya ni Daniel habang umiiyak siya because of Diego.

“Saan galing ito? No, not true, hindi. Actually wala akong ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman ‘yung about this tsismis, pero hindi, hindi totoo,” ani Imperial.

Tungkol naman sa nag-viral na photo nila ni Xian na magkasama sa isang hotel sa Davao, paglilinaw ni Barbie ay naroroon sila dahil may raket sila roon.

“Siyempre isang hotel lang para madaling pumunta du’n sa event mismo. So siguro kung sasabihin mo na nag-check in kami ng isang hotel, oo, naka-check in kami talaga ng isang hotel pero that doesn’t mean na isang kuwarto kami. Saka ang bobo naman namin, nagpa-picture talaga?” ani Barbie.

Sinagot din ng aktres ang tsikang may boyfriend siyang politiko.

“Well hindi siya boyfriend. Pero lumabas kami a couple of times. He’s a very good man, he came from a very good family, like sobrang bait ng family, but hindi ko po siya boyfriend. Pero palagi kaming nagkakasama as a group,” pahayag ng aktres at pagkatapos ay natawa dahil hindi raw niyang kayang magsinungaling.

“Sobrang ‘di ko kayang mag-lie. Okay na ‘yon bahala na kayo manghula kung ano ang mayroon sa amin,” natatawa niyang sambit.

BARBIE IMPERIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad