^

Pang Movies

Beauty, inaming maraming tukso sa kanilang mag-asawa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Beauty, inaming maraming tukso sa kanilang mag-asawa
Beauty

Five years na ring kasal sina Beauty Gonzalez at ang mister na si Norman Crisologo and till now ay sobrang happy pa rin ng kanilang married life na nakakatuwa since napakahirap nga sa showbiz stars na i-maintain ang pagkakaroon ng buong pamilya.

Sa media launch ni Beauty bilang bagong mukha ng BeuteHaus ng Beaute­derm, naitanong sa aktres kung ano nga ba ang sikreto ng maganda nilang pagsasama ng mister.

“That takes two to answer that question,” ang sabi ni Beauty sabay-tawa.

“Well, siguro, I had my husband at the right time and he had me at the right time also. We just really cliqued. Paano ka ba i-e-explain? Hindi kami nag-aaway, ha? Sa seryosong tanong. Hindi pa kami nag-away to the point na nagwo-walk out or like iyakan or what. Puro tawanan lang.

“Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yun pero sobrang swak lang na swak ‘yung ugali naming dalawa and importante talaga na you have time for each other. No matter kung gaano man ka-busy ‘yung work mo, you have to have time and you have to respect yourself and you respect your husband.

“So, importante when you respect yourself, you respect people around you also,” pahayag ni Beauty.

Aminado naman ang Kapuso actress na maraming temptations sa paligid nila pero as long as there’s respect ay magiging maayos daw ang lahat.

“Ang daming mga temptasyon, ang daming mga bago ngayon, mga bagay-bagay, but ‘pag nirerespeto mo kahit sa kaibigan, kahit sa business, kahit sa marriage, matiwasay ‘yung buhay mo,” she said.

Natanong din si Beauty kung plano pa ba nilang magkaroon ng baby no. 2 at ayon sa aktres ay hindi na raw. Tama na raw sa kanila ang isa nilang anak na babae na si Olivia na six years old na ngayon.

“Hindi mangyayari ‘yun,” natatawa niyang sabi.

“Napag-usapan namin ang honestly, okay lang sa akin na isang baby lang talaga. Mas gusto ko, enjoy lang namin ‘yung time namin together, travel, ‘yun,” she said.

Humihingi nga raw ng kapatid si Olivia at sey ni Beauty, binilhan na lang niya ito ng dog.

“I got her a dog, his name is Pepito, he’s so gwapo. Okay na siya,” natatawang sambit ng aktres.

Samantala, bilang isang wellness enthusiast, mahalaga para kay Beauty na alagaan ang kanyang sarili upang magkaroon siya ng balanseng buhay bilang isang aktres, asawa, at ina kaya siya ang karapat-dapat na maging mukha ng BeautéHaus.

Ilan sa mga paborito niyang BeautéHaus procedures at treatments ay ang Exislim (a machine that combines the technology of RF and ultrasound for body slimming that is also ideal for skin tightening) ang M-Shape (a non-invasive, body sculpting and slimming machine with no downtime) at marami pang iba.

“Maligaya po ako ngayong bahagi na ako ng BeautéHaus family that is doing wonders to the lives of many people by making them feel more beautiful and confident,” sabi ni Beauty.

“Blessed din po ako to be a part of BeautéHaus because the center is helping me to age gracefully since I’m not getting any younger.”

Aminado naman si Rhea Anicoche-Tan na bagama’t natutuwa siya sa body of work ni Beauty, talaga napamahal sa kanya ang aktres dahil sa kabutihan ng puso nito at dahil very professional ito.

“Ang sarap ng experience namin while working with Beauty. I have always been drawn to hardwor­king women who values friendship and family like Beauty. Hindi lang siya maganda at talented, napakabuting tao din niya.”

At siyempre hangang-hanga rin si Beauty at tuwang-tuwa din ito sa init ng pagtanggap ni Rhea sa kanya sa pamilya.

“I am really grateful to Ms. Rei for trusting me to represent BeautéHaus. Inspirasyon siya sa mga babaeng katulad ko dahil maganda ang kanyang puso. She is so blessed because she is truly beautiful inside and out. Role model ko siya and I sincerely thank her from the bottom of my heart.”

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with