^

Pang Movies

Roxanne, kakarerin ang pagiging food vlogger sa Taiwan  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Roxanne, kakarerin ang pagiging food vlogger sa Taiwan           
Roxanne

Ibinahagi ni Roxanne Barcelo sa kanyang latest vlog ang apartment na lilipatan ng kanyang pamilya sa Taiwan.

Noong nakaraang buwan ay ginulat ni Ro­xanne ang kanyang subscribers sa pag-announce na for good na titira ang kanyang pamilya sa Taiwan para makapagsimula sila ng bagong buhay. Kasama nga rito ang sakripisyo ni Roxanne na talikuran pansamantala ang kanyang showbiz career.

“We are opening a new chapter of our lives. Bahala na si Lord sa amin. Isang sikretong malupit na may pa-clue, baka may pakanta ako doon. We’ll see. Sana matuloy. Sana matupad ang ganap ko doon,” sey ni Roxanne.

Gusto ring gawing career ni Roxanne sa Taiwan ang maging isang food vlogger: “Gagawin ko talaga ‘yun kasi masarap daw ang food sa Taiwan and maganda and fashion. Explore natin lahat.”

Sa kanyang latest vlog, pinakita ni Ro­xanne ang isang empty apartment na may three bedrooms, two bathrooms, an office, kitchen, laundry area, balcony and spaces for a dining room and living room.

Pagsalaysay niya sa video: “Today is a big day because dadating na lahat ng boxes na pina-ship namin. Sa wakas, ‘yung gamit namin, a lot of them nandito na. Sobrang sarap pala ng feeling na medyo mabubuo na ng slight ‘yung mga kagamitan namin. Sobrang nakakakaba pala kapag alam mo na lahat ng gamit niyo, in transit.”

Maraming gamit daw si Roxanne na hindi na niya dinala sa Taiwan dahil magsisimula naman daw sila roon. May mga binenta siya at ‘yung iba ay pinamigay na lang niya.

Kapag dumating na raw lahat ng mga pina-ship nila mula sa Pilipinas, ipapa-renovate nila ang apartment bago sila tuluyang lumipat para mas kumportable sila.

Wilma, first time ulit mag-drama

First time na makasama ng comedian-TV host na si Wilma Doesnt si Carmina Villarroel sa isang teleserye. Ang unang napansin ni Wilma ay lalo siyang umitim kapag katabi niya si Mina sa mga eksena nila sa Abot Kamay Na Pangarap. “Ito talaga ’yong totoong feeling ko, ang itim-itim ko!,” malakas na tawa pa ni Wilma.

Kinumpara pa ni Wilma ang pagiging maputi ni Mina sa puti ng nakasama noon sa lifestyle show na The Sweet Life na si Lucy Torres-Gomez. “Si Lucy Torres, ang balat type writing paper. Ito kasi si Carmina, onion skin paper! Puwede ka na mag-trace ng internal organs! ’Yon talaga ang feeling ko. Kaya ako naiyak kasi ang itim-itim ko na naman sa afternoon. Paano ’yan?,” patuloy na pagtawa niya.

First time raw ulit na magda-drama ni Wilma. Pero wala raw naniniwalang magaling siya sa iyakan. “Paano naman kasi, kapag iyakan na, kapag nakita na nila ang mga bagang ko, natatawa sila! Ayaw nilang maniwalang maga­ling akong umiyak. Pero in fairness, naiiyak talaga ako sa mga eksena rito. Nakaka-relate kasi ako sa role ni Mina kasi single mother din ako. Kaya kapag may eksena na nag-e-emote si Mina, napapasabay ako ng iyak,” sey ni Wilma.

Sa teleserye nga ay binigyan ng ka-loveteam si Wilma na si Ariel Villasanta. Sila raw ang comic relief kapag masyado na raw ang iyakan sa eksena.

Kapwa bihira tumanggap ng teleserye sina Wilma at Ariel. Mga nagawang teleserye ni Wilma ay Te Amo: Maging Sino Ka Man, Daisy Siete, Kahit Isang Saglit, Kapitan Awesome, Kano Luvs Pinay, The Stepdaughters at First Yaya.

Si Ariel naman ay mas nakilala noon sa comedy shows ng TV5 na The Misadventures of Ariel & Maverick, Totoo TV, Mommy Elvie’s Problematic Show at Mommy Elvie @ 18. Mga nagawa niyang teleserye ay Joaquin Bordado at FPJ’s Ang Probinsyano.

Mga Pinoy nagluksa...Queen Elizabeth II, pumanaw sa edad na 96

Naglabas na ng official statement si King Charles III, ang pumalit sa trono ng pumanaw nang si Queen Elizabeth II sa edad na 96.

Ayon sa statement ng His Majesty the King: “The death of my beloved Mother, Her Majesty The Queen, is a moment of the greatest sadness for me and all members of my family. We mourn profoundly the passing of a cherished Sovereign and a much-loved Mother. I know her loss will be deeply felt throughout the country, the Realms and the Commonwealth, and by countless people around the world. During this period of mourning and change, my family and I will be comforted and sustained by our knowledge of the respect and deep affection in which The Queen was so widely held.”

Si Queen Elizabeth II ang longest-reigning monarch na umabot sa 70 years ang pagiging reyna sa United Kingdom.

Sa Instagram account ng Buckingham Palace: “The Queen died peacefully at Balmoral this afternoon. The King and The Queen Consort [Camilla] will remain at Balmoral this evening and will return to London tomorrow.”

Noon nakaraang Huwebes, Sept. 8, ay na-concern na ang mga doktor ng reyna sa kanyang kalusugan at nilagay na siya sa medical supervision habang nasa Balmoral ito, ang Scottish estate ng reyna. Sinabihan na ang mga anak at mga apo ng reyna tungkol sa hindi magandang kondisyon ng reyna.

Sa labas ng Buckingham Palace in London, nagtipon ang maraming tao noong mabalitaan nilang pumanaw na ang kanilang reyna. The union flag on top of the palace was lowered to half-mast noong i-announce ang pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

The Queen was born Elizabeth Alexandra Mary Windsor, in Mayfair, London, on 21 April 1926.

Elizabeth’s father became King George VI and, at age 10, Lilibet, as she was known in the family, became heir to the throne.

Elizabeth was crowned at Westminster Abbey on 2 June 1953, aged 27, in front of a then-record TV audience estimated at more than 20 million people.

Kinasal siya sa kanyang third cousin na si Philip, Prince of Greece sa Westminster Abbey on Nov. 20, 1947. Binigyan si Philip ng titulong Duke of Edinburgh.

After 74 years of marriage, pumanaw si Philip noong 2021 sa edad na 99. He was longest-serving consort in British history in 2009.

Mga naging anak nila ay sina Charles, Princess Anne, Prince Andrew, at Prince Edward. Merong eight grandchildren and 12 great-grandchildren ang reyna.

ROXANNE BARCELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with