Marami ang nakaka-miss sa celebrity chef na si Chef Boy Logro. Naging paboritong panoorin si Chef Boy sa cooking show niya na Kusina Master at Idol sa Kusina, hindi lang dahil sa masasarap na niluluto niya, kundi sa kanyang pagpapatawa at ang pagiging inspirasyon niya sa maraming nag-aaral ng culinary arts.
Noong magkaroon ng pandemya, nag-concentrate si Chef Boy sa vlogging. Hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA dahil mas marami siyang nalalaan na oras sa kanyang pamilya at sa kanyang sarili sa pagva-vlog.
“Mas maganda po ang mag-vlog kasi hawak mo ‘yung oras. Ang layo po sa TV. Kasi sa TV, obligado ka talaga. Maaga pumasok, gabi umuwi. So parang, sobrang pagod din. Although may bayad naman, kaya okay lang. Kaya lang sa edad ko, hindi na dapat mapuyat, mapagod, overtime. Mas maganda ‘yung TikTok o kaya YouTube, FB para hawak mo ‘yung oras,” paliwanag ni Chef Boy.
During the pandemic, umuwi si Chef Boy kasama ang kanyang pamilya sa Davao kung saan kinaaliwaan niya ang pagtanim ng mga gulay at mga punong may iba’t ibang bungang prutas.
“Doon po ako nakatira at nag-enjoy po ako sa aking farm. ‘Pag 66 years old ka na, ‘yun na talaga dapat. I’m happy na sa farm,” sey niya.
Inamin din ni Chef Boy na dahil sa pandemya ay nagsara ang kanyang cooking school at malaki ang nawala sa naging puhunan niya. Kaya unti-unti raw siyang bumabagon at pinagdarasal niya na magbukas ulit ang kanyang school next year.
“Mahirap pero ‘wag tayong mawalan ng pag-asa. Tuloy-tuloy lang. Kasi ‘pag ma-discourage ka, ikaw naman ang maapektuhan,” diin pa ng Kusina Master.
Kit Thompson, may demanda pa rin
Nagbabalik ang kontrobersyal na aktor na si Kit Thompson pagkatapos itong masangkot sa pambubugbog sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni.
Noong nakaraang March, nagsalita sa media si Ana dahil sa ginawang pag-detain at pagbugbog sa kanya ni Keith habang naka-check in sila sa isang hotel sa Tagaytay City.
Kinasuhan ang aktor for violation of Section 5 of Republic Act No. 9262, or the Anti-Violence Act Against Women and their Children Act of 2004.
Dahil sa kasong iyon, maraming projects ang nawala kay Keith, kabilang na ang teleserye sa ABS-CBN na Flower of Evil at ang digital series na Ang Babae sa Likod ng Face Mask.
Ngayon ay kasama siya sa pelikulang Showroom ni Direk Carlo Obispo.
Nagpapasalamat si Keith sa pagkakataong ibinigay sa kanya na makapagtrabaho ulit pagkatapos ng ilang buwang pag-iwas sa nangyaring kontrobersya.
“I’m thankful na I’m back. Actually pinagdasal ko nga ito, eh, I think a week ago or something. Habang nag-iisip ako nagdasal lang ako and eto, dumating nga, so I thank the Lord for this,” sey ni Keith.
Kasama ni Keith sa Showroom ay sina Quinn Carillo, Rob Guinto, and Emilio Garcia.