^

Pang Movies

Anak nina Aga at Charlene, representative ng Pilipinas sa Le Bal Debutantes sa Paris

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anak nina Aga at Charlene, representative ng Pilipinas sa Le Bal Debutantes sa Paris
Atasha Muhlach.

Ang dalaga nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha Muhlach ang magiging representative ng bansa this year sa Le Bal Debutantes in Paris.

Event ito ng mga anak ng sikat sa iba’t ibang bansa.

Mismong si Charlene Gonzalez ang nagpasalamat sa pagkakapili sa kanilang anak ni Aga Muhlach na nag-aaral sa Amerika.

Sa Spain naman nag-aaral ang kakambal nitong si Andres.

“Thank you @lebal.paris, Ophélie Renouard, @antonsd & @tatlerphilipines for giving the opportunity for @atashamuhlach_ to represent the Philippines in Le Bal Debutantes in Paris this year, Nov 2022”

It’s such an honor for Atasha to be part of such a “philanthropic project like @lebal which aims to raise funds and helps support charities that uplift and help the youth and women”. This years beneficiaries will be going to the “first pedia­tric hospital created in the world to help children.”

“Thank you @sabinabilenko for sharing your masterpieces with Atasha & thank you again to Ophélie, Anton San Diego & @lebal for sharing this wonderful opportunity with Atasha & for guiding her and holding her hands every step of the way. Your kindness is deeply appreciated.”

Mayroong mga criteria para maimbitahan sa Le Bal.

Isa sa naimbitahan na rito si Dominique Cojuangco at iba pang anak ng mga bilyonaryo sa Pilipinas.

Sold-out concert ng Ben&Ben, napilitang kanselahin

Nabiktima ng bagyong Henry ang Ben&Ben.

Ang daming nalungkot at nadismaya dahil handang-handa na sila sa send-off concert ng sikat na grupo sa CCP Grounds pero dahil matindi ang ulan na may kasabay na malakas na hangin kaya’t umaga pa lang kahapon ay naglabas na sila ng official statement na hindi tuloy ang nasabing concert.

“It breaks our hearts to announce that due to the terrible weather conditions, the Ben&Ben SendOff concert will be rescheduled to a later date.

“The sudden heavy downpour of rain, strong winds, and impending flooding around the area has posed potential safety hazards for everyone who will attend.

“Safety is our top priority and we carefully made this decision along with Ovation Productions, our official event producer. More details soon.

“Be safe, everyone,” ang kabuuan ng nasabing statement.

Ang sabi 48,000 tickets nila ang nabenta.

Maraming sikat na kanta ang Ben&Ben tulad ng Leaves, Kathang Isip, Sa Susunod Na Habang Buhay at marami pang iba.

At kasama sana raw sanang manonood nito ay si former Vice President Leni Robredo.

Pero grabe ang bagyo at maghapon ang matinding ulan at hangin sa Metro Manila at sa maraming bahagi ng Pilipinas.

 

ATASHA MUHLACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with