Sabi mo, Salve, maraming views ‘yung video na kinunan mo sa dialysis session ko.
Siyempre marami ang interested sa mga nangyayari sa isang dialysis treatment. Para mawala naman ang notion na parang dying ka na dahil nagda-dialysis ka.
Dapat next time ayusan na ako ng Bambbi Fuentes, para gumanda ako kahit konti bago mo ako i-video.
Excited na akong makita kayo sa meet and greet ni Bong Revilla, talagang miss ko na lahat.
Kaya see you, Bambbi, at ayusan mo ako, at Salve and Gorgy, maghahasik na uli ako ng lagim, hah hah hah.
Laruan na gawa sa tsinelas, nakarating sa Hollywood actor
Grabe naman ang narinig kong may nakakamanghang mga laruan na gawa mula sa mga lumang tsinelas na likha ng isang Pinoy na ibabahagi ni Kabayan Noli de Castro sa KBYN: Kaagapay ng Bayan ngayong Linggo (Setyembre 4).
And sabi, laki sa hirap ang artist na si Elmer Padilla kaya hindi siya nabigyan ng mga magulang ng mga laruan. Sa kagustuhan na magkaroon ng sariling laruan, nadiskubre ni Elmer na may angking galing pala siya sa sining dahil nakakagawa siya ng action figures hango sa mga sikat na pelikula tulad ng Transformers at Marvel superheroes gamit lamang ang mga sirang tsinelas.
Dahil sa kanyang talento, napansin din si Elmer ng Hollywood star na si Mark Ruffalo na gumaganap bilang si Hulk noong 2017, kung saan hawak ni Mark ang gawang Hulk doll ni Elmer.
Bongga si Elmer ha.