Kahapon ang church wedding nina Jason Abalos at Vickie Rushton.
Napansin namin ang Barong Tagalog na suot ni Jason dahil Pilipinong-Pilipino ang dating.
Ang ganda rin ng wedding gown ni Vickie at maaalala mo ang prenup shoot nila na Filipiniana ang concept.
Gusto kasi ng couple na i-promote ang gawang Pilipino.
Natawa lang kami sa comment ng isang netizen na “Itong showbiz couple na cool lang di haliparot sa socmed.”
Ikinasal sila sa San Antonio de Padua sa Nasugbu, Batangas.
Marian, P5M ang nirampa sa preview ball!
May estimate ang iba sa OOTD ni Marian Rivera sa pagdalo nito sa Preview Ball 2022 na ginawa sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis, Quezon City. Worth P5.5 million daw ang suot mula sa dress, jewelry, shoes, at bag.
Ang pink halter draped fringe dress ay mula sa Cult Gaia na ang tawag ay Renata dress at available for P133,100. Ang pink Lupita heels na suot ni Marian na mula sa Amina Muaddi is priced at $660 na sa peso ay P37,270.20 sa Mytheresa.com.
Ang Cult Gaia Pearl brown tortoishell bag na ginawa rin niyang bracelet ay available for P24,300 sa CultGaia.com. Ang Tilda’s Bow Double Pave Diamond Drop earrings from Graff, $49,000 sa dollars at more or less P2,766,074.50 sa peso ayon sa kanilang official website.
May suot ding five stacks ng Graff bangles si Marian, dalawa ay Spiral Bangle each piece priced at $6,600 na sa peso ay P372,566,70. Ang three Spiral Pave Diamond Bangles cost P677, 394 o 412,000 each sa dollars.
Abangan natin ang susunod na event na dadaluhan ni Marian at hintayin nating mapresyuhan para malaman kung ilang milyon ang suot niya.
Andre, pangarap maging sports doctor
Ang suwerte ni Andre Paras dahil pagbalik sa showbiz at sa GMA 7 at iwan ang basketball, nabigyan agad siya ng shows ng GMA 7. Nag-guest muna siya sa isang episode ng Daig Kayo ng Lola Ko at ngayon, kasama sa bagong Afternoon Prime ng GMA 7.
Gagampanan ni Andre ang role ni Dr. Luke Antonio, love interest ni Jillian Ward, pero hindi love team. Hindi kasi focus sa love story ang bagong afternoon series, mas focus ito sa relasyon ng mag-ina na sina Jillian at Carmina Villarroel.
Pero, kahit hindi magka-love team, masaya na rin si Andre na makasama si Jillian at makatrabaho sina Carmina, Richard Yap, ang iba pang cast at si Director L.A. Madridejos.
Challenge kay Andre na maging seryoso for his role para raw respeto sa mga doctor at nurses at challenge rin sa kanya ang role ng isang neurosurgeon. Mas tama raw sabihin na siya ang guide ni Dr. Analyn (Jillian) at maging kaibigan.
Dream pala ni Andre maging sports doctor at sa edad niyang 26 years old, mukhang posible pang matupad ang pangarap niyang ito. Kaya lang, kailangan ang focus dahil hindi biro ang maging doctor.
Sa Monday na, Sept. 5, 2:30 p.m., after Eat Bulaga ang premiere ng Abot Kamay na Pangarap na ang sabi ni Direk L.A., kakaiba sa ibang afternoon series ng GMA 7 dahil hindi siya maingay at wala yatang sampalan at sabunutan sa mga eksena.