Bongga, gawa pala sa plastic na bote ang suot ni Catriona Gray sa Vogue Philippines welcome party. Pero walang trace na nanggaling ang nasabing damit sa mga boteng plastic. Ang galing.
“Details. in such awe of how plastic bottles became this sculptural masterpiece.
“Sustainability but make it VOGUE. What better way to celebrate the launch of @voguephilippines Maiden issue and first ever Vogue Gala than by embodying one of Vogue’s values.
“This beautiful creation by @maisonglarino @jaggyglarino is made using recycled polyurethane plastic bottles. Crafted exquisitely into roses.”
“Such an honor to elevate Filipino talent and creativity on such an exciting event for our country”
Epic ang concept ayon sa mga nakakita dahil sobra itong nakakamangha na puwede palang maging ganun ang mga bote na tinatapon lang ng iba.
Pinantapat ‘yun ni Catriona sa mga rumampang branded ang gown tulad nina Marian Rivera na Tom Ford ang fab white gown at si Pia Wurtzbach naka-Gucci ng black and gold sexy gown.
Sosyala ang nasabing event na pinaghandaan ng mga dumalo bilang bibihira lately ang sosyalan.
Mayor Vico, may kargang baby habang nagpapa Oath Taking
Parang bagay kay Pasig Mayor Vico Sotto ang may baby. Nag-trending ang IG story niya na may hawak na bata habang nagpapa-oath taking.
Basta ang caption lang niya ay “Oath taking with baby.”
Wala siyang banggit kung sino at kaninong baby ‘yun.
Pero naalala kong sinabi ng isang malapit kay Mayor Vico na wala itong time sa lovelife.
Meron ngang isang aktres na parang nag-flirt sa anak na mayor nina Vic Sotto at Connie Reyes, pero nganga raw si aktres dahil ‘di nga nagpakita ng kahit slight na interes ang alkalde.
Dalawang aktres na nag-iingat, ayaw ipagsabing na-COVID!
Talagang andyan pa rin sa tabi-tabi ang virus.
Ayaw paawat. Lately ay may mga aktres na na-COVID na ayaw ipagsabi na nahawa sila ng virus.
Dalawa ang alam kong nagkaroon kaya bigla silang nawala sa eksena.
Pero papagaling na raw at hindi naman naging malubha ang naramdaman.
Hindi lang daw nila type na ipagkalat na na-COVID sila para wala na lang pag-usapan.
‘Di raw nila alam kung saan nahawa dahil nag-ingat naman sila.
Viral sensation na si Gigi de lana, kasing mahal ng mga sikat na diva ang talent fee!
Kung meron palang isang in demand singer ngayon sa mga Pinoy sa America, si Gigi de Lana ‘yun.
Majority raw sa mga concert producer, si Gigi ang hinahanap para isama sa kanilang mga ipo-produce na concert.
Kaya naman ang talent fee pala ni Gigi ngayon, level-up, kapresyo ng mga veteran singer na may pangalan na at maraming hit song.
Pero game pa rin daw ang mga producer dahil nga request si Gigi ng fans.
Sumikat si Gigi nung pandemic. As in viral sensation ang bagong Pop Rock Diva kasama ang The Gigi Vibes na nakaka-relax ang mga kinakanta sa YouTube.
Nagkaroon na ng maraming digital concert si Gigi.
Young Actress pakakawalan ng Kapuso?!, Heart panay na ang rampa sa Paris!
May mga artist pala ang GMA 7 na hindi nire-renew ang contract lately.
At kasama rito ang isang promising young actress na busy pa naman sa mga show niya sa GMA.
Actually parang ‘di nga siya napapahinga. Kakatapos ng programa niya pero may kasunod agad.
Pero ‘yun nga, pinag-uusapan na hindi raw ito ni-renew kaya baka mapanood ito sa ibang network.
Unless na-delay lang daw ang renewal ng kontrata nito.
Though, iba naman daw ang kaso ni Heart Evangelista.
Diumano’y may contract pa ito sa GMA pero ang usap-usapan sa Paris muna ito titira.
Walang sagot ang tinanungan ko kung totoong doon muna ito maglalagi para mag-full time sa kanyang fashion career sa Europe.