MANILA, Philippines — Mula sa kanyang feel-good at empowering songs, isang malungkot na awitin naman ang handog ng Star Pop artist na si Kanishia sa Days, na tungkol sa hirap ng pag-move on mula sa natapos na relasyon.
Isinulat ito ni Angelica Tagadtad, inareglo ni Gabriel Tagadtad, at prinodyus ni Star Pop label head Rox Santos. Bago ang Days na magiging bahagi ng kanyang upcoming debut album, inilabas din ni Kanishia ang palabang kanta na Breakaway noong Hunyo at sinundan naman ito ng paglunsad ng music video nito noong Hulyo.