Sofia, naka-selfie si George Clooney!

Sofia at George

MANILA, Philippines — Maraming napa- OMG sa selfie ni Sofia Andres with Hollywood actor George Clooney.

Kasalukuyang nasa Switzerland si Sofia para sa event ng Swiss luxury watch kasama ang grupo nila Maja Salvador.

Andun din si Joshua Garcia at ang partner ni Sofia na si Daniel Miranda.

Ang sikat na Hollywood actor ang endorser ng nasabing brand ng mamahaling relos.

Kim, naiyak sa panalo ng Creamline!

Naiyak-iyak si Kim Chiu sa panalo kahapon ng Team Philippines-Creamline na gumawa nga ng #HERSTORY nang manalo sila laban sa Australia sa #AVCCupforWomen2022.

Ngayon ay sasabak sila sa Chinese Taipei para sa 5th spot.

Tweet ni Kim : “Congrats team ph!!! Nakakaiyak nung umiyak na si jia!!! atin na yung 5th place bukas!!!”

First time palang umangat ang grupo natin sa volleyball at kilala si Kim na mahilig sa volleyball.

Huhusgahan na!

Ngayong gabi na huhusgahan ang What We Could Be.

Pinagbibidahan ito nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, and Yasser Marta.

Ayon kay Miguel ito na so far ang most mature role he has ever portrayed, “Isa ito sa mga dream role ko, someone with a complex background kaya very mysterious. Perfect project din siya para sa age namin dahil ito ‘yung phase na ang ­daming uncertainties sa buhay, hindi pa masyadong kilala ang sarili and may mga what ifs.”

Ysabel, on the other hand, admits that she feels pressured on her first lead role, “Definitely kinakabahan ako pero at the same time, confident ako na maganda ang nagawa namin. Nakatulong din sa akin ‘yung support system at teamwork namin ni Miguel. This project is a good chance for us to experiment and learn as actors,” though pasadung-pasado ang acting niya sa unang episode nito na napanood namin sa advance scree­ning kamakailan.

Yasser considers this show as a major turning point in his career, “Ang laking project nito at achievement siya sa buhay ko. Nagsimula ako from scratch sa showbiz and ngayon, binigyan ako ng opportunity to work with a great cast. Para sa akin, kahit ano namang i-offer na project, lagi ko lang binibigay ang best ko.”

Relatable ang serye na kuwento ng tatlong kabataang indibidwal na may mga pinagdadaanan sa kani-kanilang buhay.

Bagama’t first collab ito ng GMA at Quantum, sinabi ni Atty. Joji Alonso na a walk in the park ang naging trabaho nila as in walang kahirap-hirap dahil binigay ng GMA ang lahat ng kailangan nilang suporta para lumabas na maganda ang What We Could Be. “I’ve been pitching kay Joey for so many years dahil gustung-gusto ko talaga gumawa ng TV series. GMA was very helpful in seeing this project through. Very smooth-sailing ang lahat and ang babait ng mga Kapuso,” papuri ni Atty. Joji.

Pahayag naman ni GMA’s First Vice President for Program Manage­ment Department Joey R. Abacan: “It was a walk in the park and I wouldn’t endorse it kung hindi maganda. When I watched the output, nagulat ako. Kasi sa script pa lang at pagkakadirek, ang husay na. I hope masundan pa ang aming collaborations.”

Boy Abunda, magiging Kapuso na?!

Siguradung-sigurado na ang pagbabalik ng King of Talk na si Boy Abunda sa television.

Ang hindi lang niya masagot ay kung saang channel.

Pupunta lang siya sa Amerika para sa ilang commitment at pagbalik niya ay mapapanood na ulit siya sa TV.

Halos tatlong taon na ring wala sa mainstream ang mahusay na TV host umpisa nang magkaroon ng pandemya at nawalan ng franchise ang ABS-CBN.

“I wanna go back to television,” pag-amin ni tito Boy nang makausap namin sa press event ng Rana Phamaceutical Inc. kung saan ay siya ang isa sa kauna-unahang endorser / ambassador.

Wala pa siyang masabi kung magiging Kapamilya, Kapuso, o Kapatid siya? “Marami akong kausap,” aniya.

Sa GMA na kaya? “Anything is possible. Kung magugustuhan nila ako.”

Pero totoo ba ‘yung isyu sa GMA?

“May mga pag-uusap, hindi lamang sa Channel 7.”

AMBS ba may offer tito? “Ay wala akong offer from the Villar group. I have no conversation with them.”

Inulit namin ang usap-usapan kung definite na may offer ang GMA na talk show para sa kanya?

“Nag-uusap. Nagpaalam ako dati niyan sa ABS-CBN. Pinayagan naman akong makipag-usap.

“Andun pa lang lumulutang. Sa ngayon wala pa talagang kasiguruhan. Pero ang alam ko lang I will be back in television pagbalik ko galing Amerika.”

 Recently ay may round table interview for Flower of Evil (Piolo Pascual and Lovi Poe) si tito Boy kaya wala siyang puwedeng isyu sa ABS-CBN if ever na matuloy siya sa GMA? “There’s no reason why my relationship with ABS-CBN should be affected.  Oo naman. ‘Pag tinatawagan naman ako at kailangan ako, ginagawa ko naman. Pero nami-miss ko ang TV. Magta-tatlong taon.”

Pero kahit anong pilit ayaw niyang magsalita ng patapos sa sinasabing talks with GMA.

“Hindi talaga ako nagsasalita ng patapos. Anything is possible. Pero ang tanong, gusto ba ako ng Channel 7. It’s not a one way. You know, it has to be negotiated.”

Anong nami-miss mo sa TV na hindi mo nagawa sa digital?

“That whole experience. Walang isa, but iba, iba ‘yung ilaw. Iba ‘yung bilang. Iba ‘yung indayug. Iba ‘yung rhythm. Iba lahat. Na hindi ko nararanasan sa social. Iba ang kinang. Fulfillment din siguro. Kasi napakaliit ng YouTube operation eh. Nagagawa namin, isa, dalawa. Ako nga minsan, mag-isa. I do my my commentaries alone. ‘Yun ang nakaka-miss,” sabi pa ng nag-iisang King of Talk.

Natutuwa naman siya na parang mas malakas na ang kumpetisyon ngayon sa TV dahil aktibo ang Net 25 at mag-uumpisa nang mag-operate ang AMBS.

“The more the merrier. Para mas maraming choices ang manonood. That should be exciting.

“Lalo na ngayong katapat na ng telebisyon ang socials.”    

Show comments