Hinding-hindi makakalimutan ng Maid in Malacañang lead actor na si Cesar Montano ang kanyang recent 60th birthday, Aug. 1, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay kumpleto ang kanyang siyam na anak sa limang magkakaibang babae, ang kanyang late wife na si Marilyn Polinga, ex-wife na si Sunshine Cruz, ang dating beauty queen na si Sandra Seifert at ang kanyang present partner na si Socorro ‘Kath’ Angeles.
Sampu na dapat ang anak ng actor, writer-director at film producer na si Buboy (Cesar) pero yumao na ang kanyang eldest son na si Angelo Manhilot nung March 2010.
Buboy has two children (Angelo and Angela) sa kanyang yumaong unang misis, tatlo sa dati niyang misis na si Sunshine Cruz, isa sa actress na si Teresa Loyzaga (na si Diego), isa kay Sandra at tatlo naman sa kanyang present partner na si Kath.
The actor-director turned 60 nung nakaraang Aug. 1 pero nung Aug. 3 lamang pinost ni Buboy ang picture niya kasama ang mga anak sa kanyang IG account.
“I can’t be more happy with my children all present on my birthday. I love you so much guys! You are my life’s true blessings and treasure. Thank you for joining your dad’s special day. God bless you.”
Nagpapasalamat din ang actor-director na okey na sila ng kanyang ex-wife na si Sunshine matapos silang magkita sa ika-18th birthday ng anak nilang si Sam.
Ngayong okey na ang relasyon ni Buboy sa kanyang mga anak maging sa kanilang mga ina, mas lalong inspired ang actor-director na pag-ibayuhin pa ang kanyang trabaho bilang actor, writer, director, at producer.
Ang pelikulang Maid in Malacañang ay siyang kauna-unahang pelikula na pinagsamahan nila ng kanyang binatang anak na actor na si Diego.
Umaasa ang actor na muli niyang makatrabaho ang kanyang binata na nagpapakita na rin ng husay bilang actor gayundin ang kanyang mga anak na sina Angelina at Sam na pumasok na rin sa showbiz.
Jodi, thankful kahit talunan sa Thailand
Hindi man nasungkit ng actress na si Jodi Sta. Maria ang Best Actress award sa katatapos pa lamang na ContentAsia Awards na ginanap last Friday, Aug. 26 sa Thailand, nagpapasalamat ang actress at ang bumubuo ng hit primetime TV series (adaptation) na The Broken Marriage Vow na Philippine version ng hit BBC series na Doctor Foster dahil ito ang pinarangalan ng Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia habang ang isa ring nagtapos na weekly sitcom ng ABS-CBN, ang My Papa Pi kung saan tampok sina Piolo Pascual, Pia Wurtzbach, at Pepe Herrera ay siya namang nominadong Best Asian Comedy Show.
Nanalo rin sa ika-3rd ContentAsia Awards si Alberto ‘Treb’ Monteras II as Best Director of a Scripted TV Programme kung saan din naging nominado si Erik Matti para sa pelikulang On the Job: The Missing 8 kung saan din nominated si John Arcilla bilang Best Male Lead in a TV Programme.
Ang GenSan Punch na dinirek ni Brillante Mendoza ang siyang nagwagi as Best Asian Feature Film or Telemovie.
Kahit hindi nanalong Best Actress si Jodi, nagpapasalamat pa rin siya dahil sa pagkakapili ng The Broken Marriage Vow as Best TV Foreign Adaptation Programme sa buong Asya.
Sa lahat siguro ng ginampanang papel ni Jodi ay itong The Broken Marriage Vow ang most challenging role para sa kanya.