Nahulaan agad...
Hindi lang sigaw, may talon pa si Ate Vi (Vilma Santos) sa ginawang “gender reveal” party ng magiging una niyang apo.
Nang pinutok ang lobo, lumabas ang trimmings na pink sabay ng announce ni Luis na “it’s a girl.”
Limang buwan na ang dinadala ni Jessy kaya kita na sa pre-natal scan ang gender ng baby.
Actually maraming mga traditionalist ang nagsabing babae talaga ang magiging anak ni Jessy, dahil basta raw sa panahon ng pagbubuntis ay maganda ang nanay, mas malamang babae ang anak niya.
Noon din namang nagpa-scan silang huli, ang sabi ni Luis sa post, “mabuti naman at kamukha ng mommy,” meaning noon pa lang alam na niyang babae ang kanilang magiging anak.
Pero siyempre sa ngayon nga nauuso ang baby shower bilang dagdag na selebrasyon, lalo na’t sabik sa gathering ang mga tao matapos ang dalawang taong puro lockdown ang ginawa sa atin.
Sigurado iyan, mas magiging abala pa sa preparations ang lola sa pagdating ng kanyang apo.
Kaya nga noon pa gusto niyang magkaroon ng bahay si Luis at tumira malapit lamang sa kanila eh, kasi nga para nakikita niyang lagi at nasusubaybayan ang paglaki ng kanyang apo.
Ganoon naman ang mga nanay, mas concerned pa sa kanilang apo kaysa sa mga anak nila.
Kris, may kinikimkim pa?!
Hindi namin ito ginagawang topic kasi ang feeling namin wala naman kaming pakialam.
Hindi naman kami magkakilala talaga. Pero matapos ang fake news na si Kris Aquino ay uuwi na sila sa Pilipinas kasama ang kanyang dalawang anak, at saka sinabi ng kapatid niyang si Balsy sa isang interview na mas malala pa pala ang kalagayan niya ngayon.
Kung noon daw ay dalawa lang ang kanyang autoimmune disease, ngayon ay apat na ang nakita.
At ang mga doctor niya maging dito o sa US, walang makitang gamot na maaaring gamitin sa kanya, dahil napakarami rin niyang allergies na oras na gamitin ang mga gamot nagkakaroon naman ng hindi magandang side effects.
Aywan kung ano ang sasabihin ng iba riyan at kung bakit siya nalagay sa ganyang sitwasyon.
Isang taong ang kinakain ay puro masustansiya, nasusuportahan ng bitamina at lahat ng klase ng gamot, pero nagkaroon ng sakit na hindi malaman kung papaano pagagalingin.
Ang tingin namin sa ganyang sitwasyon, talagang dasal na lang ang kailangan, at maluwag na tanggapin sa kalooban kung ano man ang maging kalooban ng Diyos. Maaari rin namang tumawag sa mga santo. Marami ang tumatawag ngayon kay Santo Padre Pio para sa kagalingan, at sila ay mahimalang gumagaling.
Siguro dapat na rin niyang alisin sa kanyang puso kung ano mang mga sama ng loob ang kanya pang kinikimkim. Magpatawad na siya para siya ay patawarin din.
Kadalasan ang sakit ay dahil sa kinikimkim na galit at poot.
- Latest