^

Pang Movies

Alden, hands-on sa US tour!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden, hands-on sa US tour!                  
Alden

Paalis na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, pero inayos pa rin muna niya ang mga dapat niyang gawin para sa promo ng upco­ming first-ever adaptation ng Start-Up PH na first team-up nila ni Bea Alonzo for GMA Network na magsisimula nang mapanood simula ngayong September 2022 sa GMA Telebabad.

As the concert-producer, hands-on si Alden sa preparation para sa US Tour ng kanyang ForwARd Concert at siya ang may last say sa mga magaganap.

Sa interview sa kanya ng GMA Pinoy TV, ito raw ang una niyang live performance sa stage, after three years: “May pressure pero excited na rin dahil makakasama ko ang mga kapwa-Pinoy natin sa abroad.”

Tamang-tama namang approved na ang USA visa ni Alden, kaya pwede na siyang umalis dahil kailangan pa niyang mag-rehearse.

Naka-schedule ang concert ni Alden sa San Mateo, California on Sept. 3, sa The Events Center, Harrah’s Resort Southern California on Sept. 4 at ang third stop nila ay sa Saint Eugene Parish Shaunessy Center, in Chicago, on Sept. 10. Special guest of Alden is actress Sue Ramirez.

Magpapakilala...

Personal nang mami-meet ng fans, yes, “Meet the Runners, Live!” Today, ang cast ng Running Man Philippines, sa kanilang Grand Fan Fest na magaganap sa Robinsons Manila Midtown Atrium, today, Saturday, Aug. 27, 4:00 – 6:00 p.m., with Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian and Mikael Daez.

Sa Sept. 3 ang world premiere ng Running Man Philippines. Mapapanood ito every Saturdays and Sundays sa GMA 7.

Richard Yap at Jillian, nanood ng live brain surgery

Isang naiibang experience ang naranasan nina Kapuso actor Richard Yap at Kapuso actress Jillian Ward, nang sumabak sila sa medical trainings para sa GMA Afternoon Prime series na Abot Kamay na Pangarap.

Hindi lamang sina Richard at Jillian, kundi ang ibang cast na sina Andre Paras at Kazel Kinouchi para sa kanilang characters na gagampanan.

Si Richard ay si Dr. RJ Tanyag at si Jillian naman ay isang genius young surgeon.

Ipinakita ni Jillian sa kanyang IGS, ang ilang photos habang siya ay nasa loob ng operating room ng isang ospital na pinanood nila ang live brain surgery, kasama si Richard.

Kasama rin nila sa serye si Carmina Villarroel bilang ina ni Jillian, na sa kabila ng wala siyang alam, hindi siya marunong magbasa, ay tinulungan ang anak na maabot ang pangarap nito.

Last July pa nagsimula ang lock-in taping nila, at sa Sept. 5, ang world premiere na nila, 2:30 p.m. sa GMA 7, Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga. Papalitan nila ang Apoy sa Langit.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with