Pagkamatay ni Direk Romy Suzara, may malaking kontrobersya sa pamilya  

Direk Romy

Nakakalungkot naman na ang pagkamatay ni direk Romy Suzara ay pinagmulan pa ng mga hindi magandang pagtatalo at mga usapan.

May sketchy reports na nauna, na may kakaunting detalye lamang. Ni ayaw sabihin kung saan nga ibuburol ang batikang director, dahil ang sabi nga raw ng partner noon na tinatawag lang nilang si “Babes,” kung gusto nilang makita si direk hanapin nila.

Tinutukoy niya ang mga kaanak ni direk na hindi man lang daw sumilip noong panahong may sakit at nasa ospital ang batikang direktor.

Pero ang statement namang iyon ay kinontra ng mga pamangkin ni direk na nagsabing “itinago niya sa amin na may sakit ang aming uncle. Ni hindi niya ipinaalam sa amin kung saang ospital siya naka-confine. Noon ang mga pamangkin niya ang nag-aalaga sa kanya, lalo na nang umalis at magpunta sa US iyang si Babes. Nang magbalik siya, naospital pala ulit si uncle, hindi na niya ipinaalam sa amin. Iyong sinasabing titanium na ipinalit sa pelvic bone ni uncle na siya ang bumili, hindi totoo iyon. Ang ibinayad doon ay ipinadala ng anak ni Uncle na si Maridel na nasa US,” sabi ng isang pamangkin ni direk Romy.

Isa pang pamangkin ni direk Romy na nagpakilala namang si Arnel Valmonte, ang nagbigay pa ng ibang detalye, at sinabing nailabas naman sa Philippine Heart Center ang mga labi ng batikang director matapos niyang pumirma ng isang promissory note at iwanan doon ang kanyang ID bilang katunayan na inaako niya ang pagbabayad sa 2.2 milyong pisong bill na naiwan sa ospital.

Natigil na pala si direk sa pagdidirek ng Sunday mass sa ABS-CBN nang magkaroon ng pandemic at nawalan ng franchise ang network.

Noong panahon palang iyon na kasagsagan din ng COVID, labas-pasok na sa ospital si direk, at kaya walang nagbabantay na mga pamangkin dahil wala ngang pinapayagang bantay sa ospital dahil sa pandemic.

Anyway, yumao na si direk. Sana magkaroon na siya ng katahimikan.

Kylie, tinawanan ang isyung nabuntis ni Gerald

Matapos na mabalitang nabuntis ni Aljur Abrenica ang girlfriend na si AJ Raval, aba ngayon naman ang tsismis si Kylie Padilla naman daw ang buntis, at ang itinuturo pang nakabuntis ay si Gerald Anderson na nakasama lang naman niya sa isang ginagawang pelikula.

Pinagtawanan nga ni Kylie ang tsismis, at sabi nga niya baka naman may maniwala pa riyan.

Kung mayroon mang dapat na mabuntis si Gerald, siguro iyong syota na niyang si Julia Barretto, eh bakit nga naman si Kylie ang igagawa ng tsismis.

Maedad na aktres, nagbabayad ng mga poging bagets

Nahihiya na rin daw maglalabas ngayon ang may edad nang aktres kaya hindi na siya mismo kundi isang trusted friend na gay ang naghahanap ng dates para sa kanya.

Pero hindi pa rin nagbabago ang aging aktres, ang gusto niyang ka-date ay mga poging bagets na halos apo na niya.

Isipin ninyo, at 67 years old, minsan daw ang ka-date na bagets ay 22 lang. At hindi na siya nahihiya na magkuwentong ngayon nagpe-pay siya sa mga ka-date niya.

Noong araw ang mga date niya ang nagpe-pay sa kanya dahil talaga namang maganda siya at sikat pa. Ngayon siya na ang nagpe-pay.

Show comments